Isang babae ang nagpost ng kanyang graduation picture kasama ang kanyang anak



Madalas na sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga anak ay “Huwag munang mag-asawa at magtapos muna ng pag-aaral”. Paulit-ulit na naririnig at talaga namang isang magandang aral na dapat isa-puso at isa-isip. Sinasabi din ng ibang magulang na “Basta nakatapos ka na, magagawa mo na ang lahat ng naisin mo”.



Pero paano kapag nagkamali ang anak at sinuway ang pangaral ng magulang sa mga payong ito, wala na bang kinabukasan ang nagaantay sa kanila? Itatakwil ba ng magulang? Siyempre hindi! Dahil lahat tayo ay nagkakamali at sa mga pagkalamaling ito ay dito natututo.

Ang pagkakaroon ng anak ay hindi dahilan upang matigil ang pangarap. Ito ay pinatunayan ni Airish Cruz sa isang post na maglalarawan ng kanyang tagumpay at para din sa kanyang anak. Sa post niya sa Facebook, makikita ang kanyang graduation picture na kasama ang kanyang anak na babae na si Sofia. Sa dalawang larawan ay maraming magagandang aral tayong makukuha.

Sa unang larawan na ibinahagi ni Airish Cruz, makikita na kalong niya ang kanyang anak at isinuot ang graduation cap kay Sofia. Sa pangalawang larawan naman ay itinaas na binuhat ang kanyang anak at makikita ang kasiyahan sa mga mukha nilang mag-ina.



Nakaka-durog ang naging panimula ng post ni Airish Cruz. Inumpisahan niya ang caption ng litrato sa mga sinasabi sa kanya ng mga tao sa pagkakaroon ng anak sa murang edad.


Ito ang naging panimula ni Airish Cruz sa kanyang post:



Sa mensahe na ibinahagi ni Airish, sinabi niya dito ang hirap na pinag-daanan niya sa pagaaral, sa pagpasok sa malayong paaralan kahit buntis, sa paghuhusga sa kanya ng mga tao.

Batid ni Airish ang pagkakamaling nagawa pero hinarap niya ito at hindi siya tumigil mangarap. Nagbigay mensahe din siya sa mga katulad niyang dumadaan sa ganitong pagsubok. Sinabi niya na lumaban lang at huwag tumigil mangarap.

Siya ngayon ay isang graduate ng Bachelor of Science in Business Administration Major in Human Resource Development Management.

Saludo kami sayo Mary Airish R. Cruz!




error: Content is protected !!