Ito ang buhay ni Jose Manalo bago siya maging isang sikat na komedyante ng Eat Bulaga!



Tunay ngang hindi agad-agad ang tagumpay na natatamo ng bawat isa sa atin. Mayroong iilan na nakararanas ng kaunting mga pagsubok sa buhay samantalang ang iba naman ay talagang niyanig ng matitinding hamon sa buhay.



Marahil ay ganoon nga talaga siguro, gaya nga ng isang lumang kasabihan ng mga nakatatanda na kanya-kanyang pasan lang ng krus yan. Ngunit marahil ay isa sa katangian nating mga Pilipino ang maging matatag at maging malakas para sa ating mga pamilya.


Ang kwento marahil ng 53-taong gulang na si Jose Manalo o kilala rin sa tunay na buhay bilang si Ariel Pagtalonia Manalo ay talaga namang hahaplos sa inyong mga puso. Dahil katulad ng marami sa atin, bago pa man niya makamit ang tagumpay ay marami din siyang pinagdaanang hirap ngunit ang lahat ng ito ay kaniyang pinagtagumpayan.


Sino ba namang mag-aakala na ang isa sa pinakamahuhusay na komedyante ngayon ay naging isang clown o payaso pala noon? Si Jose Manalo ay naging parte ng “Boyoyong Clowns” at buong puso niya itong ipinagmamalaki.



Narito ang caption ng isang social media page kasabay ng pagbabahagi ng larawan ng Boyoyong Clowns:
“They are Bobo, Yoyo, and Ong-Ong of the Boyoyong Clowns; the first values-oriented clowns in the country. Ace comedian Jose Manalo of Eat Bulaga fame was once a part of this funny trio playing as Yoyo.”

Ayon din sa komedyante, malaki ang naitulonh sa kaniya ng pagiging isang payaso niya noon, ito ay ang mga sumusunod:
“Una, sa pagho-host. Nasubukan ko mag-host na ako mag-isa. ‘Yong pagiging komedyante. ‘Yong kilos. ‘Yong timing.”



“Dahil sa Boyoyong, dito lang ako nakapasok ng Valle Verde, ng Corinthian, mga mamahaling bahay. Hanggang sa natira na ako sa Valle Verde. Hahaha! Hindi, thank you, Lord. Salamat,” dagdag pa niya.

Talaga nga namang magpahanggang ngayon ay hindi siya nakakalimot na balikan ang kaniyang pagiging simple at payak noon.




error: Content is protected !!