Ito na ang buhay ng magandang si Vanessa Del Bianco ng iwanan niya ang showbiz

Nakilala natin si Vanessa Del Bianco bilang isa sa mga magagandang aktres noong 90’s. Ilan pa sa mga talento ng magandang aktres na ito ay ang husay niya sa pagsasayaw at TV Hosting. Nakilala din ang aktres na ito kanyang mga TV Commercials sa mga anti-dandruff shampoo.


Isang Filipina-Italian si Vanessa Del Bianco na ipinanganak sa Canada. Nakilala ang magandang dilag na ito ng siya ay nanalo sa isang Model Search sa Amerika. Ito ang naging dahilan upang madiskubre siya ng ABS-CBN sa ‘Star Circle Quest Batch 4’.


Ang kanyang kasikatan din ang naging dahilan upang mapasali siya sa isang sikat na noontime show ang ‘Magandang Tanghali Bayan’ kung saan ay pinagbibidahan ito ng mga sikat Host na sina Willie Revillame, Randy Santiago, at John Estrada.


Sa programang ito ay makikita ang kanyang galing sa pagsayaw. Bukod pa dito ay may TV commercials pa siya at napapasama din sa mga ibang teleserye. Dito ay pinatunayan din niyang kaya niyang pagsabayin ang maraming proyekto. Napasama siya sa palabas na ‘Gimik’ na pang-bagets na palabas na pinagbidahan din ng mga kapuso na artista.

Nagkaroon ng isang kontrobersya si Vanessa Del Bianco kay John Estrada na sila daw ay nagka-anak at sikretong nagpakasal. Alam ng marami na kasal si John Estrada kay Janice De Belen at sila din ay naghiwalay.


Sa pagkawala ng noontime show na Magandang Tanghali Bayan, dito rin unti-unting nawala si Vanessa Del Bianco sa showbiz. Dito ay naisipan na niyang bumalik sa Canada upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.


Ito ang sinabi niya sa isang interview:
“At that time, it was right for me to leave and pursue something else that I was very passionate about – school. Something I was putting on hold for a long time,”

Muli siyang bumalik ng Pinas noong 2005 at naging host ng ‘Stardance: The Search for the Dance Idol’


Ngunit ilang taon lang siya namalagi at bumalik muli sa Canada upang maging isang Sales Manager sa Mayfair Club.



error: Content is protected !!