May pa-lechon si Teacher sa kanyang mga estudyanteng nag-aral mabuti



Ang mga guro ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Dahil halos buong araw ng isang mag-aaral ay nilalaan nila upang matuto sa kanilang mga guro. Ang mga itinuturo ng mga guro ay nagsisilbing paghubog sa kanilang pagkatao. Kaya kung ano ang natutunan sa eskwelahan ay siya ring tumutulong sa pag-asenso nila sa buhay.


Pero hindi biro ang pagiging isang guro. Kinakailangan maging ihemplo sa mga estudyante upang makinig at maniwala sa mga ibinabahaging mga aral. Maraming klase ng guro, mayroong mga estrikto at mayroon namang mga sobrang bait.




Kaya para sa mga mag-aaral na maswerteng nagkaroon ng mga gurong mababait, dapat ay huwag niyo silang kalimutan at pasalamatan sa mga hirap at sakripisyong ginawa nila para sa magiging kinabukasan niyo.


Katulad na lamang ng isang guro sa South Cotabato na ang layunin niya ay makapag-bigay ng magandang edukasyon para sa kanyang mga estudyante. Na kahit manggaling pa sa sarili niyang bulsa ang magiging inspirasyon sa pagaaral ay kaya niyang gawin.


Ang pangalan ng guro na ito ay si Floyd Tilendo. Si Floyd Tilendo ay guro ng grade 10 sa Koronadal National Comprehensive High School sa Koronadal City, South Cotabato. Nakaka-tuwang tignan ang mga larawang ibinahagi niya sa kanyang Facebook account patungkol sa pakain niya sa kanyang mga estudyante pagkatapos ng kanilang exam.




Sa mga larawan ng pagsusulit ng mga estudyante, mapapansin na tutok ang mga mag-aaral sa pagsagot ng kanilang mga exams. Upang hindi rin mangopya, hinarangan ito ng mga malalaking puzzle matts.


Pagkatapos naman ng exam ay hinandugan sila ng kanilang guro ng pakain. Hindi ito basta-bastang pagkain, may pa-lechong baboy si Teacher Floyd. Ang nakaka-tuwa pa dito ay “boodle fight” silang kakain. Makikita rin na may dinuguan pang kasama at maraming kanin. Itsura pa lamang ng pagkain ay siguradong busog na busog ang kanyang mga estudyante.


Makikita sa larawan na malalapit ang mga estudyante sa kanilang guro. Maswerte ang mga mag-aaral na ito dahil bibihira lang sa mga guro ang nanlilibre ng ganito. Ang mahal kaya ng presyo ng lechon, pero hindi inisip ni teacher floyd ang presyo ng lechon bagkus ang pagmamahal niya sa kanyang estudyante ang umiral.


Mabuhay ka Teacher Floyd!




error: Content is protected !!