Pokwang, hinangaan ng marami dahil sa kaniyang pagiging simple at mabait na kaibigan!



Ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan ay talaga nga namang maituturing ding biyaya mula sa Maykapal. Hindi lahat ng tao na nakapaligid sa iyo ay magiging isang tunay mo na kaibigan. Marapat din lamang na maging mapanuri tayo at maging wais sa pagpili ng ating mga magiging kaibigan.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga sa social media ang pagiging simpleng kaibigan ng sikat na komedyanteng si Pokwang. Mapapansin sa kaniyang social media post ang mga kuhang larawan ng kaniyang isa pang matalik na kaibigan na si Pooh habang siya ay namamahinga at natutulog sa pinagsama-samang monoblock chair. Ayon pa sa post ng aktres, “Ang hirap talaga minsan kapag napapaligiran ka ng mga kaibigan mong komedyante! malamang biktima ka ng pag-goodtime hahahha”.

Sa kabila ng malayong narating sa buhay ay hindi pa rin nawawala ang kasimplehan sa buhay ni Pokwang. At talaga namang siya ay isang tunay na kaibigan hanggang sa pinakahuling sandali ng kaniyan kaibigang si Chokoleit. Bagamat naging isang napakasakit na pangyayari ito sa kanila, ay patuloy pa rin silang nagpapakatatag para sa kanilang namayapang kaibigan. Inspirasyon sila sa nakakarami na sa kabila ng masakit at mabigat na pinagdaraanan nila sa buhay ay patuloy pa rin silang nagiging positibo sa buhay.




Hinangaan din naman sa social media ng maraming mga netizen ang kasimplehan at walang arte ng aktres at komedyanteng si Pokwang. Siya ay kilala din bilang Marietta Subong sa totoong na buhay. Siya ay 48-taong gulang na aktres, TV Host, at komedyante. Nanalo siya sa isang kompetisyon sa ABS-CBN na naging daan sa kaniyang pagiging sikat. Siya ay dating isang entertainer.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pagiging malapit sa isa’t-isa nina Pooh, Pokwang, K Brosas at Chokoleit. Naging mga ninang at ninong pa nga sila ng anak ni Pokwang sa kaniyang mister na si Lee O’ Brian na si Baby Malia. Bagamat pumanaw na ang isa sa matalik nilang kaibigan ay mananatili pa rin si Chocokoleit sa kanilang mga puso, alaala at damdamin.

 

View this post on Instagram

 

Ang hirap talaga minsan kapag napapaligiran ka ng mga kaibigan mong komedyante! malamang biktima ka ng pa goodtime hahhaahaha

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on




error: Content is protected !!