Ikinagulat ng marami ang iniregalong “iShadow” ng ina na ito sa kaniyang anak para sa moving up ceremony nito!



Nagtapos ng grade 10 si Heart Ortega Dimakiling. Niregaluhan siya ng kaniyang ina ng eyeshadow na aakalain mong iPhone at naging usap-usapan nga sa social media ang kaniyang post. Ang mga ina ay kilalang malikhain at madiskarte, kayang-kaya nilang magbigay ng kakaibang kagalakan sa mukha ng kanilang mga anak. Isa din sila sa pinakamasaya sa tuwing nagkakaroon ng karangalan o tagumpay ang kanilang mga anak.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Heart Ortega Dimakiling ang kaniyang post patungkol sa regalo sa kaniya ng kaniyang ina. Ang “moving up ceremony” ay ginagawa para sa mga mag-aaral na nakapagtapos na ng ikasampung baitang. Ito ay alinsunod din sa inilathalang panukala ng DepEd noong Marso 1, isang seremonyang tulad din ng mga mag-aaral na nakatapos nang kindergarten.




Ayon sa post ng dalaga, “Moving up gift ni Mama”. Aakalain mo talagang mamahaling cellphone ito dahil sa mayroon nang charger at connector itong kasama. Ngunit ito pala ay isang “cosmetic” para sa mata, isang “eyeshadow”.


Sa kabila nito ay hindi niya pa rin nakalimutang magpasalamat sa kaniyang ina at sinabing “Happy April Fools and Congrats kase nakapagmoving up ka, Hat.” Ang nasabing post ay mayroon nang 13,000 na reaksyon, 1,300 na komento at higit sa 13,000 shares mula nang ito ay naipost. Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

“Hala. Nakakatuwa naman ang mommy mo. Be happy kasi nag-effort pa siya humanap ng ganyan. Hehe,”



“Eto na lamang regalo natin kay Jenn kasi mahilig siya sa phone, make-up at hindi sa plato.”



Tunay ngang hindi natin kailangan ang mamahaling mga bagay, mas mahalaga pa rin ang pagmamahal at atensyon ng mga taong nakapaligid at nagmamalasakit sa atin. Mayroon pa ring mga bagay na hindi nabibili o natutumbasan ng anumang halaga. Mainam ring matuto ang bawat isa sa atin na magpasalamat sa mga bagay natatanggap natin.




error: Content is protected !!