Ilang kwentong nakaka-tuwa patungkol sa Puting Van na kinaaliwan ng maraming tao



Sikat na sikat ngayon sa social media ang mga Memes tungkol sa mga Puting Van. Sinisimulan ang Meme sa mga salitang “Nangunguha ng” at sinusundan ng salita na katangian ng isang tao. Halimbawa ay “Nangunguha ng Maganda”. Kadalasan ay ibinabahagi ito ng mga taong may naaalalang kaibigan na ganun ang katangian o kaya naman ay baka mismo ikaw ang kailangan mag-ingat sa puting van.


Nagmula ang katatawanan na ito sa mga lumang pelikulang pinoy na kadalasan ay mga puting van ang ginagamit ng mga kontrabida upang makuha ang pakay na tao. Kung iisipin nga naman talaga, bakit madalas na puting van ang ginagamit nila? Nakakatuwa lang isipin na ang mga pangyayari sa mga palabas dati ay naaalala pa rin natin ngayon.




Likas talaga sa pagiging pinoy ang pagiging masayahin. Kaya mahilig ang marami sa atin ang gumagawa ng katatawanan katulad na rin ng nasabing paggawa ng meme sa puting van. Pero may mga sumisikat na video ngayon na makikita sa social media patungkol sa puting van. May mga natakot at mayroon ding nahiya sumakay dahil sa nakalagay na meme sa van.


Sa video ni Dexter Galera, marami ang napatawa ng malakas dahil sa kuha ng kanyang dash cam. Habang minamaneho ni Dexter ang kanyang puting van pauwi sa kanilang bahay, natanaw niya ang dalawang batang naglalakad. Nang siya ay mahinto ng bahagya dahil may humps, biglang nagtakbuhan ang mga bata sa takot na baka kunin sila ng puting van. Nakakatuwa man panuorin pero mainam na rin at maingat ang mga batang ito.






Yung nag backfire yung kalokahan mo syo??‍♀️?? Nagpa Valet parking kami sa UPTOWN, lahat kami ayaw sumakay sa hiya ?? #KamiPalaYunMgaTsismosangNakuha ?? #NangunguhaNgTsismosa ?? #DecalRepublic #DecalRepublicDada

Posted by Arnellie Alpajaro on Saturday, March 23, 2019

Sa video naman ni Arnellie Alpajaro, ito naman ay ibang klase, dahil ang sasakyan mismo ay may paskil na “Nangunguha ng Tismosa”. Habang nagaantay sila ng sasakyan nila marami ang naaliw dahil sa paskil na ito. Nagdadalawang-isip tuloy sumakay ang mga dapat sasakay dahil sa nakalagay na paskil.




Hindi po ako nangunguha ng bata… nagkataon lang na puti ang van ko at dyan po ako nakatira… Sino po ba itong mga bata na ito mga taga Pea 2B baka kilala nyo po haha! nakakatawa lang tlga second time na nangyare sakin to ???https://youtu.be/PEmnyYxmvcsBudgetera DIY ToursFollow me on ➡️ Kuya Dhex

Posted by Dexter Galera on Thursday, March 28, 2019




error: Content is protected !!