Isang Security Guard ang nagtabi ng mga gamit ng isang nakatulog at lasing na foreigner



Madalas na ipinapayo sa mga manginginom ang mga salitang “Magtira ng panguwi”. Ang mga salitang ito ay magpapa-alala na huwag magpaka-sagad sa pag-inom at tumigil na kapag hindi na kaya para na rin sa kaligtasan.


Pero minsan ay hindi na talaga napipigilan ang pangyayari at talagang nasasagad sa kasiyahan. Kapag nangyari ito, madalas ay nawawalan ng mga gamit ang mga nakaka-tulog sa kalasingan. Pero para sa isang Foreigner na nakatulog sa kalsada ng Bantayan Island sa Cebu, siya ay lubos na maswerte dahil may nagtabi muna ng kanyang mga mahahalagang gamit.



Ibinahagi ito ng isang netizen na nagngangalan sa Facebook na Eir Wein. Nakuhanan niya ng litrato ang isang kaganapan kung saan ay ipinakita ng isang security guard ang taglay niyang kabaitan.


Kasama ang mga kaibigan ni Eir Wein sa isang lugar sa Bantayan Island na Santa Fe Coffee shop, nasaksihan nila ang pag-soli ng mga tinabing gamit ng isang foreigner, na nakatulog sa may labas ng coffee shop. Ang foreigner na ito ay may suot na itim na damit at naka-suot ng grey na shorts.


Buti na lang at tinabi ng security guard ang kanyang mga gamit dahil kung makikita ito ng ibang tao baka pag-interesan pa. Sa pagtabi ng mga gamit ng foreigner ay binantayan din ng security guard ang foreigner sa kanyang pagtulog. Nagising ang lasing na foreigner ng lilinisin na ang lugar ng kanyang tinulugan. Ito na rin ang pagkakataon upang maibalik ng mabait na security guard ang mga tinabing gamit.

Kinamayan at pinasalamatan ang mabait na security guard at sinabi pa ito ng foreigner:
“That’s the reason why I don’t want to go back to where I came from and stayed here in the Philippines for good,”


Ang kabutihang ginawa ni Manong guard ay nasaksihan ng Netizen na si Eir Wein.

Ito ang sinabi niya sa post:
“Please help me share this to the public as I want to say how lucky and proud I am of having a countryman like Manong Guard.




Good job Manong Guard! God will surely bless you and your family.”




error: Content is protected !!