Ito ang magandang bahay nila Dingdong at Marian sa Quezon City



Para sa mga taong maraming pera, madali lang para sa kanila ang mabili ang mga bagay na gustuhin nila. Karaniwan pa sa mga talagang ginagastusan ay ang pagpapatayo ng magagandang bahay. Tunay na pinagpala ang mga taong ito dahil natatamasa nila ang kaginhawaan ng buhay.


Karaniwan sa mga may magagandang bahay ay mga sikat na artista. Ang pagbili ng mga real estate properties ay isa sa mga pinaka-magandang investment para sa kanila. Bukod siyempre sa investment ay mas mararamdaman nila ang tagumpay sa buhay kung makikita nilang maganda ang kanilang tahanan.




Katulad na lamang ng bahay nila Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes sa Quezon City. Siguradong magagandahan ka sa pagkakagawa nito dahil sa mga disenyong bigatin ang pagkaka-gawa. Bukod pa sa magandang itsura mayroong laki rin itong 300 square meters.


Siguradong magagandahan ka sa ambiance ng lugar na parang isang penthouse na may disenyong hango sa ‘aura’ ng Asian Design.



Ang gusaling ito ay na tinatag ng lolo ni Dingdong Dantes na si Enrique Gonazales. Ngayon ay si Dingdong na ang namamahala at inaayos ito. Ang Gama Construct ang naging arkitekto sa pag-renovate ng lugar na nagbigay ng napaka-gandang pag-ayos at disenyo.


Ang bungad na magandang pintuan ay may naka-ukit na “DD” na gawa ni Agi Pagkatipunan. Kung pagmamasdan ang bahay ay parang isang magandang resort.


Maganda din ang kanilang sala na siguradong matutuwa kung sakaling manunuod ng telebisyon. Ang sofa nila ay talagang malambot at mayroong ding mga “winged chair” na nabili sa Furnitalia sa Bonifacio Global City.

Mahilig din si Dingdong mangolekta ng mga action figures kaya makikita sa bar ng bahay na may lagayan ito. Mapapansin din na hilig ni Dingdong na mangolekta ng Batman Action Figures.



Makikita naman sa kusina ng bahay ang obra maestra ni Carlo Saavedra na nakakabit sa may dingding. Mapapansin din ang isang helmet na naka-ibabaw sa mesa na suot ni Sauron sa pelikulang Lord of the Rings.


Ang bahay nila Dingdong ay napaka-ganda at nagsisimbulo ng tagumpay nila sa buhay. Ito ang gantimpala nila sa pagpupurisge nila sa buhay bilang sikat na mga artista ng bansa.




error: Content is protected !!