Ito ang mga litrato ng magandang Wedding dress ni Fasha Sandha na kuha ng Huawei P30



Isa sa mga problema ng kinakaharap ng mga magpapakasal ay ang hirap ng paghahanap ng magaling at affordable na Photographer upang kuhanan ang mga kaganapan ng kanilang kasal. Pero alam niyo bang kung hindi naman nasasapat ang pera na hawak upang maka-kuha ng mamahaling mga photographer, maaari namang gumamit ng cellphone.


Malaking tulong na talaga sa tao ngayon ang pag-asenso ng teknolohiya. Katulad na lamang ng mga smartphones na nagiging camera na rin at ang ilan dito ay nagtataglay ng sobrang linaw na kuha.


At ilan sa mga sumisikat na brand ng smartphones ngayon ay ang Huawei. Kamakailan lang ay nakita ang pre-wedding na mga litrato nila Fasha Sandha at Aidil Aziz. Mas ikinabilib ng marami ng nagbahagi si Fasha Sandha sa kanyang instagram account patungkol sa wedding dress niya na gawa ni Rizman Ruzaini na isang kilalang gumagawa ng wedding dress.


Kilala din si Rizman Ruzaini sa mga kasalan ag sa pagdidisenyo ng mga wedding gowns. Mapapatunayan ang galing sa paggawa sa pagtingin sa mga larawang ibinahagi ni Fasha Sandha. Ipinakita dito ang husay sa pagtatahi at talagang bumagay sa bride.


Pero hindi gaganda ito kung hindi maganda ang ginamit na panlitrato. Ginamit ang Huawei P30 upang kuhanan ang napaka-gandang gown na ibinahagi sa Instagram. Pinatunayan muli ng Huawei na maganda ang kanilang mga produkto. Tunay na nakaka-bilib ang camera ng Huawei P30 dahil sa zooming capabilities nito sa isang smartphone. Ang cellphone na ito ay may 40 MP, 2160p sa camera, ang battery naman ay may 3650mAh, ang kanyang RAM naman ay may 8GB na may HiSilicon Kirin 980, may laki naman itong 6.1″.




Lumabas na ang brand ng cellphone na ito at mabibili na sa mga malls or cellphone shops. Ang unang launch ng Huawei P30 ay naganap sa Paris noong Marso 26, 2019 na may thema na “Rewrite the Rules” ito na ang bagong flagship ng Huawei na siguradong kagigiliwan ng mga mahihilig sa Huawei at sa mga bibili nito.





error: Content is protected !!