Ito na pala ang buhay ngayon ng dating sikat na boksingero na si Rolando Navarete!



Bago pa man nakilala at sumikat si Senador Manny Pacquiao sa industriya ng boksing, nauna nang nagpakitang gilas si Rolando Navarete na mula rin sa Gen. San. Ito na pala ang buhay niya matapos ang kaniyang kasikatan sa boksing.


Si Rolando Navarete ay 60-taong gulang na Pilipinong boksingero na tinanghal bilang junior lightweight (super featherweight) world title noong 1980’s. Siya ay nakilala sa kaniyang matitinding suntok at kamangha-manghang talento sa boksing. Ang dating boksingero ay nakapagtala ng 72 mga laban, 54 na panalo habang 31 dito ay knock-out, 15 talo at 3 draw. Tinanghal din siya bilang ika-9 sa pinakamahuhusay na featherweight champion sa kasaysayan. Napasama siya sa ilang mga kaguluhan at nagdesisyong magretiro na sa boksing dahil na rin sa sunod-sunod na talo sa mga lokal na boksingero.




Mayroong pitong mga anak si Rolando sa iba’t-ibang mga babae at nagtagal ng 3 taon sa Amerika dahil sa isang kaso patungkol sa pånggagåhasa. Napabilang din siya sa ilang mga kaso sa pag-abuso sa droga at pagmamaltrato sa asawa.



Inamin din nito na pinagsisisihan niya ang mga maling desisyon niya noong siya ay sikat at marami pang pera. Mayroon din siyang anak na nakikilala na sa larangan ng Mixed Martial Arts na si Rolando Gabriel Navarete Jr. Maraming nagsabi nakaahon na sa hirap si Rolando Navarete at proud sya sa kanyang anak dahil malayo na din ang narating nito sa UFC.


Maaaring marami tayong naging maling mga desisyon sa mga nagdaang panahon. Ngunit sa mga karanasan nating iyon ay natuto tayo at nagkaroon ng pagkakataong muling bumangon at magsumikap na maging maayos muli ang ating mga buhay. Gaya ng ating mga pinagdaraanan, sana ay makamit na din niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

Source: Realfight, Philnews






error: Content is protected !!