Kilalanin ang mga sikat na personalidad na nagmamay-ari ng sarili nilang mga helicopters at jets!



Maraming mga sikat na personalidad ang ating hinahangaan hindi lamang dahil sa kanilang mga talento, angking kagandahan at kagwapuhan, o di kaya naman ay mga sariling interes o nakakakatuwang mga ugali. Ngunit mayroon din namang mga tao na humahanga sa mga narating at nakamit na tagumpay ng mga kilalang personalidad na ito. Maniniwala ba kayong ilan sa mga sikat na personalidad na ito ay nagmamay-ari na ng kani-kanilang mga helicopter at jet? Ito ang ilan sa kanila:

WILLIE REVILLAME




Mayroong pribadong jet si ang komedyante at aktor na si Willie Revillame. Ayon sa ulat ng isang sikat na magazine noong 2015, nagkakahalaga ng 200 milyong piso ang 30-seater Dornier 328 private jet na ito. Naging usap-usapan din noon na pinahiram niya ito kay Justin Bieber na isang international artist noong siya ay bumisita sa Pilipinas upang pumunta sa Tacloban at kamustahin ang mga Pilipinong nasalanta ng bagyong Yolanda.

SENADOR MANNY PACQUIAO



Isang 5-seater jet ranger helicopter naman ang pagmamay-ari ng legendary boxing champion at pulitiko na si Senador Manny Pacquiao. Tinatayang nasa 18 milyong piso ang nasabing helicopter na kaniyang binili para sa pansarili niyang gamit.


GRETCHEN BARRETO


Mayroon ding pribadong jet ang aktres na si Gretchen Barreto. Nitong nakaraang taon ay pinasilip niya sa kaniyang mga followers online ang loob ng kaniyang mamahaling jet, ginawa niya ito habang lulan siya nito patungo sa Taiwan.



LUIS CHAVIT SINGSON


Boeing 737 naman ang pagmamay-ari ng presidente at chairman ng LCS Group of Companies. Kadalasang ginagamit niya ito sa mga business related niyang biyahe. Sinasabing ginamit din ito noong 2016 ng mga kandidata ng Ms. Universe nang sila ay lumibot sa buong Pilipinas.

Sadyang nakakamanghang malaman na mayroong mga Pilipinong nagmamay-ari ng ganito kamahal na mga jet at helicopter. Tunay ngang nagsisilbi silang inspirasyon sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga nangangarap na umasenso at maging matagumpay din sa buhay.




error: Content is protected !!