Mamangha sa isang Pinay na walang mga kamay pero naging isang Piloto!



Marami man ang nangasar, nanlait, nanukso, nanghamak sa taong ito, pinatunayan niyang kayang-kaya niyang ipagmalaki ang kanyang sarili sa kabila ng kanyang kapansanan na walang mga kamay.



Muli nanamang nakilala ang Pinoy sa buong mundo. Gumawa nang record ang isang Filipina-American na si Jessica Cox bilang unang taong naging certified na Piloto na walang mga kamay Pinanganak na may kapansanan ang Fil-Am na babaeng ito at ang kanyang kabataan ay punong puno ng pagsubok. Madalas siyang asarin at kutsyain dahil sa kanyang kapansanan. Kahit na ganito ang ginagawa ng mga batang nakapaligid sa kanya hindi siya tumigil mangarap. Sa katunayan gusto niyang maging isang superhero.


Ginawa lahat ng kanyang mga magulang upang ibigay ang magandang buhay sa kanilang anak na si Jessica. Sa katunayan ay binilhan nila ng prosthetic arms si Jessica noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Pero hindi naman ito nagustuhan ni Jessica at tinanggal ito noong siya ay sumapit ng grade 8.


Imbis na gumamit ng prosthetic arms ginamit niya lamang kung anong meron siya. Dito ay pinaghusay niya ang kanyang mga paa upang magsilbing kanyang mga kamay. Naging daan ang paggamit ng kanyang mga paa sa kanyang naging tagumpay. Dahil madalas na inaasar ng mga nakapaligid, si Jessica ay nagaral ng Taekwondo. Sa katunayan isa siyang double black belter sa Taekwondo. May record din siya sa Guinness World Record na unang tao na black belter na walang kamay.



Ang 36 na taong gulang na babaeng ito ay gumawa ulit ng isang bagay na ikinabilib ng maraming tao. Siya ay naging certified na Piloto. Talagang nakakapagpalipad siya ng eroplano. Kaya naman siya ay nagkaroon ulit ng record sa Guinness World Record bilang unang babae na naging piloto na walang kamay.

Bukod pa sa dalawang record niya sa Guinness siya rin ay manlalangoy, surfer, diver, skier, gymnast, at marunong sumyaw. Tunay na isa kang ihemplo ka Jessica, na walang kampansanan ang makaka-hadlang sa pangarap na gustong makamtan.




error: Content is protected !!