Siling labuyo ang gamit ng estudyanteng ito sa paggawa niya ng sarili niyang “pepper spray”!



Sadyang marami nang nakakatakot na pangyayari ngayon sa ating kapaligiran. Mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari o kayang gawin ng mga tao sa ating paligid. Tunay ngang hindi mo rin malalaman kung kailan darating ang panganib kung kaya naman dapat tayong maging handa sa lahat ng pagkakataon. Ngunit alam nyo bang hindi mo na kailangan pang gumastos ng malaki para lamang mag-enroll sa mga gym o kaya naman ay bumili ng mga self-defense device.


Gaya na lamang ng ginawang alternatibo ng estudyanteng ito na nakilala bilang si Marry Ferjel Babasa. Naging usap-usapan sa social media ang kaniyang ginawang “life-saver” hack. Nakagawa siya ng isang do-it-yourself “pepper spray” gamit lamang ang siling labuyo.




Ibinahagi niya sa kaniyang social media post ang mga kakailanganin para sa DIY na pepper spray. Kailangan lamang ng basyo ng spray bottle, ilang piraso ng siling labuyo, at kaunting tubig at mayroon ka nang “pepper spray”. Ginawa niya ang pepper spray na ito upang mayroon siyang maaaring gawing proteksyon para sa kaniyang sarili lalo na sa mga masasamang taong nasa kalsada kung gabi. Inisa-isa niya ang mga bagay na kailangan sa paggawa ng pepper spray na ito.



Ayon sa kaniya, maliit na bote ang kaniyang napiling paglagyan upang mas madali itong makuha sa kaniyang bag lalo na kung emergency. Ang sukat ng bote na ito ay tiyak na hindi agad mapapansin ng masamang tao. Matapos ilagay ang pira-pirasong mga sili na ito sa lalagyan ay dagdagan lamang ng kaunting tubig, alug-alugin at tapos na.


Ang nasabing post ay umani ng 25 libo na mga reaksyon, 12 libong komento, at 81,000 shares. Maraming humanga sa pagiging mapamaraan ng dalaga. Marami din ang naghikayat sa iba pang mga tao lalo na para sa mga kababaihan na gumawa rin ng ganitong uri ng self-defense, ang “do-it-yourself” pepper spray sa murang halaga.





error: Content is protected !!