Isang lalaking natutulog sa lansangan ang tinulungan ng isang Pastor



Isang malungkot na tanawin para sa atin ang makita ang ilan sa mga kababayan natin na natutulog sa lansangan. Ang mga taong ito ay nabubuhay sa pamamagitan ng paglimos at sa paghingi ng tulong sa ibang tao. Karaniwan sa mga taong ito ay hindi pinalad sa buhay o kaya naman ay nahiwalay sa pamilya o kamag-anak.



Bibihira na lang sa mga tao ngayon ang may busilak na kalooban na handang tumulong sa mga ganitong klase ng tao. May iba pa ngang mga tao na imbis na magbigay ng tulong, sila pa ay todo iwas at nandidiri pa. Pero kung iisipin lamang, kung sakaling ikaw ang nasa katayuan nila, maaaring alam mo na siguro ang mga damdamin at hirap na nararanasan nila.


Pero may isang mabuting samaratino ang nagabot ng kanyang kamay sa isang pulubi sa lansangan. Siya ay isang pastor na ang pangalan ay Franklin Llanita Goden. Nagbahagi siya ng mga larawan patungkol sa lalaking natulungan niya.


Ito ang sinabi ni Pastor Franklin Llanita Goden sa kanyang post:
“First I saw him, then I fed him, then I shopped clothing, then bathe him, then brought him to the barber shop, then bring him to McDo. Then, I showed the mall’s life and it made him smile.”

Nakita ni Pastor Franklin ang isang nakaka-awang lalaki na ang pangalan ay Erwin Dean sa isang Mall sa Quezon City. Sa kagustuhang makatulong ni Pastor Franklin, inaya niya ang lalaling ito upang mabilhan ng maayos na damit, malinisan ang katawan, mapa-gupitan, at mapakain.



Naging daan ang post na ito upang umabot sa mga kamag-anak ang sinapit ni Erwin Dean sa buhay. Ang post ay nakita ng kapatid at agad na tumawag upang mapasalamatan si Pastor Franklin. Nawa ay ang ginawa ni Pastor Franklin ay makapag-bigay ng daan upang marami ang tumulad sa kanyang kabutihan.

Sa isang post pa ni Pastor Franklin ito ang sinabi niya:
“Thank God for the small thing I have done for others is now an instrument to inspire and influence the whole world,”






error: Content is protected !!