Isang Magna Cum Laude mula sa CamSur, proud na anak ng pedicab driver



Buong pagmamalaking ibinahagi ni Sandra Estefani Ramos ang kamangha-manghang kwento ng kanilang pamilya. Ipinagmamalaki din niyang anak siya ng isang pedicab driver. Siya ay nagtapos bilang isang “Magna cum laude” sa kursong Bachelor in Secondary Education sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology.


Ayon sa kaniya, marami siyang mga kamag-aral na mas matalino sa kaniya ngunit sa tuwing makikita niya ang pagsusumikap at paghihirap ng kaniyang ama ay mas nagkakaroon pa siya ng lakas ng loob at ng motibasyon na magpursige sa kaniyang pag-aaral. Narito ang kaniyang pahayag:




“Until now, I didn’t know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are other students more intellegent than me, I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reason why I became Magna cum laude.”


Ayon naman sa kaniyang ina ni Sandra na si Cyril Ramos mas inuuna ng kaniyang asawa na si Renato ang gastusin ng anak sa eskwela, mga proyekto sa paaralan at pamasahe, ang matitira dito ay inilalaan nila para sa kanilang pagkain.


Si Sandra ay inilarawan ng kanilang School Associate Professor na si Ronnie Rubi bilang isang simple, mapagpakumbaba, at aakalain mong walang mahirap na pinagdaraanan sa buhay.



Maraming mga netizen ang humanga sa kaniyang pagpupursige sa kabila ng kanilang kahirapan o mga pagsubok na pinagdaraanan ay talaga namang nagbunga ang lahat ng kaniyang pagtitiyaga dahil sa nagtapos siya bilang isang Magna Cum Laude.



Ito ay patunay lamang na kahit ano pang estado mo sa buhay, makakamit at makakamit mo ang iyong pangarap sa buhay basta’t magtitiyaga, mananalig at magsisikap ka lamang. Tunay ngang marami pang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan ang magpupursige at magsisikap sa kanilang pag-aaral. Tiyak na mas matutulungan na niya ang kaniyang pamilya dahil sa nakapagtapos na siya ng pag-aaral at tiyak na makakakuha ng trabaho sa hinaharap.






error: Content is protected !!