Ito ang ilan sa mga larawan ng kabataan ni Gloria Romero



Ang maging artista ng matagal na panahon ay hindi biro. Kinakailangan na mapanatili ang kaayusan ng itsura at ang galing sa pag-arte. Marami na din tayong mga nakitang mga sikat na artista na simula pagkabata nila hanggang sa pagtanda ay aktibo pa rin sa mga palabas. Ang iba pa nga dito ay binibigyan ng parangal sa serbisyong naibigay nila sa industriya.


Katulad na lamang ng isang beteranang aktres na si Gloria Romero. Madalas nating makita ang aktres na ito ngayon bilang pagganap na lola o nanay ng mga bida. Pero mas mabibilib kayo dahil 85 na taong gulang na siya.




Pero ang sikat na artistang ito ay may taglay na kagandahan pala noong siya ay dalaga pa. Taong 1949 ng simulan niya ang kanyang karera sa showbiz sa pamamagitan ng Sampaguita Pictures. Dahil sa husay niya ay dumami ang kanyang mga naging proyekto.


Naging aktres si Gloria Romero ng halos tatlong dekada na at mapa-hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya. Halos 200 na pelikula na rin ang napabilangan niya at marami na ring nakuhang mga awards. Ilan sa mga nakuha niya ay ang “Gawad Urian,” Famas, and MTRCB Award.



Ang kanyang pangalan ay nagmarka na sa isipan ng maraming Pilipino. Siguro ay kung tatanungin ang ating mga lolo at lola kung gaano kagaling si Gloria Romero, maaaring mapatunayan nila ito at magbahagi ng kwento. Ilan sa mga maaalala ng ating mga lolo at lola ay ang pagganap ni Gloria Romero bilang Imelda Marcos sa pelikulang “Pinagbuklod ng langit”. Madalas ding makatambalan ni Gloria Romero si Ric Rodrigo sa mga pelikula. Sa mga pelikulang ginanapan ni Gloria Romero pinatunayan niya ang kanyang kagandahan ay walang kupas.


Ang narating ni Gloria Romero na kasikatan sa industriya ng showbiz ay magpapakita ng kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho. Nakaka-tuwang isipin na hanggang ngayon ay nakikita pa rin natin siya sa telebisyon.





error: Content is protected !!