Ito pala ang dahilan kung kaya mas mainam na tanggalin ang iyong “underwear” bago matulog!



Marahil ay nakakagulat malaman na maaari pala itong gawin. Ngunit sa maniwala kayo o sa hindi, tiyak na bibilib ka sa kamangha-manghang maidudulot ng pagtatanggal ng iyong damit pangloob bago matulog.


Marami sa atin ang nasanay nang magsuot ng underwear bago matulog. Maaaring hindi komportable sa iilan ang gawaing ito ngunit ito ang mas marapat na gawin sa halip na matulog ng nakasuot ng “underwear”. Kapag natulog ng naka-underwear ang isang babae mas nagiging mataas ang panganib na magkaroon siya ng impeksiyon sa ari dahil ito sa “crotch rot” na nagiging dahilan ng pangangamoy o pangangati ng ari lalo na kung matagal nang nakulob ang iyong pribadong parte at hindi na ito nasisingawan pa ng hangin.



Mayroon ding mga pagkakataon na magkaroon ng yeast infection, bacterial vaginosis o iba pang klase ng impeksyon kung kaya naman mas mainam pa rin na magtanggal ng underwear bago matulog upang maiwasan ang mabilis na pagdami ng bacteria lalo na kung mainit o pagpawisan ang ari. Nagiging dahilan din ng mabahong amoy at pangangati ng ari ang pagdami ng bacteria sa ari dahil sa hindi maayos na pag-aalaga sa pribadong parte ng ating katawan.

Para naman sa mga kalalakihan, ang hindi pagtatanggal ng underwear ay maaaring magdulot ng jock itch. Ito ay kadalasang dulot ng fungal infection na madalas ay tumutubo sa mga singit. Kaya kung nais ninyong maiwasan ito, magsuot na lamang ng maluluwag na boxer shorts o mga short na gawa sa cotton upang mas makasingaw ang init sa pribadong parte ng iyong katawan.



Tunay ngang nararapat lamang na pahalagahan at ingatan ang ating mga sarili lalo na ang ating pangangatawan dahil sa wala namang ibang magmamahal at mag-iingat sa ating sarili at sa ating katawan ay walang iba kung hindi tayo rin. Kung kaya ano pang hinihintay nyo? Subukan niyo na din!




error: Content is protected !!