Jinkee Pacquiao nagsalita na patungkol sa diumano’y utang ni Claudine Barreto sa kaniya!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang diumano’y utang ni Claudine Barreto kay Jinkee Pacquiao. Matatandaang sina Lolit Solis at Cristy Fermin ang naglabas ng isyung nagkaroon ng utang na pera si Claudine kay Jinkee na itinanggi naman nito.


Upang malinis ang kaniyang pangalan, nag-live ang aktres na si Claudine sa social media noong nakaraang Miyerkules, Marso 27. Ayon kay Claudine mayroon diumanong kumakalat na balita tungkol sa kaniyang utang na pera kay Jinkee at sa kanilang negosyo, trabaho o transaksyon na hindi naging matagumpay dahilan upang magkabaon-baon sa utang ang aktres.



Noong una ay hindi raw ito pinapansin ni Claudine ngunit kung hindi raw ito titigil ay talaga namang nakakabahala na. Nakakahiya din raw kay Jinkee dahil sa nakakaladkad pa ang kaniyang pangalan. Tinapos na ni Claudine ang kaniyang katahimikan at iginiit na hindi siya mayaman ngunit hindi rin siya waldas sa pera. Nais din nitong matapos na ang usap-usapan patungkol sa kanila.



Agad din namang pinabulaanan ni Jinkee ang pahayag na ito ni Claudine. At sinabing walang utang sa kaniya ang aktres o di kaya naman ay negosyo. Masaya din diumano si Jinkee na sila ay magkumare.


Nagpasalamat naman si Claudine sa asawa ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Maging ang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barreto ay nagpasalamat din kay Jinkee sa paglilinis nito ng pangalan ng kaniyang kapatid. Ayon pa kay Gretchen hindi umano niya sinisi sina Lolit Solis at Cristy Fermin bagkus ay nagpaimbestiga sila at nalaman nilang ang kapatid nilang si Marjorie Barreto ang nagpakalat ng nasabing tsismis. Buti na lamang at nagsalita na si Jinkee Pacquiao upang matapos na ang espekulasyon tungkol sa kontrobersyang ito.





error: Content is protected !!