Humingi ng paumanhin ang ama na ito sa kaniyang working student na anak nang ito ay makapagtapos sa kolehiyo ngunit wala itong maibigay na handa para sa kaniya!



Panahon na naman ng graduation o pagtatapos ng maraming mga mag-aaral sa ating bansa. At dahil dito ay marami na rin tayong nakikitang mga larawan, kwento at mga post ng maraming mga mag-aaral at kani-kanilang pamilya ng kanilang mga graduation picture at graduation ceremony.



Bilang mga Pilipino ay nakasanayan na nating maggayak o di kaya naman ay maghanda kahit kaunti lamang upang maipagdiwang ang natamong tagumpay ng kanilang mga anak sa kanilang pagtatapos. Ngunit marami din namang nagnanais na mabigyan ng magandang selebrasyon ang kanilang kamag-anak subalit wala silang kakayahan magawa ang mga ito.


Tulad na lamang ng kwento ng isang ama na ito na humingi ng paumanhin sa kaniyang anak na working student dahil wala man lang itong maibigay na regalo o kaya naman ay maigayak na handaan para sa kaniyang anak na magtatapos sa kaniyang eskwela.



Ang nasabing estudyante ay nakilala bilang si Jay-ar Cañete Pangan na nagtatrabaho din bilang isang “service crew” sa Chowking Gaisano Mall Butuan. Sa kaniyang mga larawan ay mapapansin kung gaano talaga siya kapursigidong makapagtapos ng pag-aaral at sa kabila ng kahirapan ay mas pinili niyang maghanap-buhay upang matustusan at maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Ito ang naging usapan ng mag-ama na talaga namang umantig sa puso ng maraming mga Pilipino.

Tatay: Anak, pasensya na wala tayong handa ngayong araw ng iyong pagtatapos.


Anak: Ayus lang po tay, mahalaga nakapagtapos ako sa kolehiyo at matutulungan na kita, hindi na kita hahayaan pang maghirap at susuklian ko lahat ng sakripisyo mo sakin.


Dahil nga dito ay maraming mga netizen ang humanga at nagbigay ng kanilang mga positibong komento at pagbati sa pamilya ni Jay-ar. Tunay ngang hindi hadlang ang kahirapan upang maabot mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Basta’t magtitiyaga ka lamang, mananalig sa Diyos at magsusumikap ay tiyak na magkakaroon ka ng pagkakataong maabot ang iyong mga pangarap hindi lamang para sa iyong sarili kung hindi para na din sa iyong mga mahal sa buhay.






error: Content is protected !!