Sa kabila ng kaniyang problema sa pamilya ay nakakuha pa rin ang estudyanteng ito ng 99 na average bilang isang junior highschool!



Sa panahon ngayon, karamihan nang nahuhusgahan ang mga kabataang nabibilang sa “broken family” na mga sakit sa ulo o di kaya naman ay sobrang walang mga disiplina. Ang kaisipang ito ay dahilan na ang mga kabataang walang magulang ay kadalasang nagiging pariwara dahil sa walang mga magulang na gagabay at magpapatnubay sa kanila. Ngunit kamangha-mangha ang mag-aaral na ito dahil nagtapos siya ng may pinakamataas na karangal at grado na 99%.


Sa ibinahaging post ni Eugene Dela Cruz sa kaniyang personal na social media accout ikinwento niyang 13 taon na mula nang naghiwalay ang kaniyang mga magulang. Kahit pa matagal ang panahong iyon ay naaalala pa rin niya ang mga naging paghihirap niya mula noon. Bumalik sa kaniyang alaala ang pangungulila at pananabik sa kaniyang mga magulang, ngunit sa halip na gawin niyang kasiraan ang dinanas niyang ito, ay nagsumikap pa siya lalo sa buhay at ginamit itong inspirasyon upang magtagumpay.



May caption din ang kaniyang post na “I needed a hero so that’s what i became”. At dahil nga sa kaniyang mga pinagdaanan ay talaga namang napagtagumpayan niya na makapagtapos ng pag-aaral at mayroon pang mataas na marka! Ito ay kaniya din namang ipinagpasalamat at inialay sa kaniyang mga magulang dahil sa hindi rin naman din siya magiging matatag kung hindi dahil sa kanila. Kung isa man siyang pagkakamali para sa kaniyang mga magulang, tiniyak naman niyang mapapatunayan niyang siya ay karapat-dapat din naman ipagmalaki.


Talaga namang mamangha ka sa taas ng kaniyang mga grado sa iba’t-ibang mga asignatura bukod pa ang kaniyang mga karangalang natamo sa mga patimpalak na kaniyang sinalihan. Dahil sa kaniyang katapatan at kasipagan ay talaga namang hinangaan siya ng marami. Tunay ngang walang kahit ano mang maaaring humadlang sa mga taong nagnanais na patunayan ang kanilang sarili at ang kanilang kahalagahan. Napakagandang inspirasyon na hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa kaniyang mga magulang bagkus ay ginamit niya ang kaniyang karanasan upang mas makapagpursige sa buhay.





error: Content is protected !!