Anak ng kasambahay at tanod nakatapos ng kolehiyo kahit pa pinayuhan siyang mag-TESDA na lamang!



Dahil sa hirap ng buhay ay pinayuhan na lamang si Jhonrick Art Catindoy Orense ng kaniyang mga magulang na mag-aral sa TESDA o di kaya naman ay tumigil na lamang siya sa pag-aaral at maghanap ng trabaho. Ngunit ang lalaking ito ay mayroong pangarap sa buhay, pangarap na makapagtapos ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo kung kaya naman sa halip na pumasok sa TESDA o di kaya naman ay tuluyan nang tumigil sa pag-aaral at maghanap na lamang ng mapagkakakitaan.



Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay nagbibigay ng pagkakataon sa maraming mga indibidwal na makapag-aral ng kani-kanilang skill at pagkatapos ay makapagtayo ng sarili nilang negosyo sa hinaharap. Maraming mga mahihirap na pamilya ang nakinabang na rito. Nabibigyan ng malaking tyansa ang kani-kanilang mga anak na makahanap ng magandang trabaho kahit pa hindi sila nakapagtapos ng kolehiyo.


Wala namang problema ang pagkakaroon ng TESDA diploma ngunit marami pa ring mga kabataan ang nangangarap na makapagtapos ng kurso sa kolehiyo. Para kay Jhonrick, walang problema sa kaniya ang pagkakaroon ng TESDA diploma ngunit mas nais niyang makapagtapos ng kurso sa kolehiyo upang makahanap ng magandang trabaho at masuportahan ang kaniyang pamilya.


Kahit pa anong pangaral at pagkumbinsi sa kaniya ng kaniyang mga magulang na huwag nang pumasok sa kolehiyo ay nag-enroll pa din ito. At makalipas nga ang apat na taon ay nagtapos siya bilang isang cum laude sa kursong Bachelor of Arts in Journalism.



Ibinahagi niya ang kaniyang kwento upang magbigay inspirasyon sa maraming mga kabataan na mangarap at magpursige para sa kanilang minimithi kahit pa sa una ay hindi sumasang-ayon ang kanilang pamilya.

Tunay ngang nakakatuwa na malaman na mayroon pang mga kabataan sa ngayon na matigas ang ulo pagdating sa pag-abot ng kanilang pangarap sa buhay. Kung hindi dahil sa kaniyang pagtitiyaga, pagsusumikap at paggabay ng Panginoong Diyos ay hindi niya makakamit ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.




error: Content is protected !!