Ibinahagi ng aktres ni si Judy Ann Santos kung paano niya ipinaliwanag sa kaniyang anak na si Yohan na siya ay ampon!



Ang aktres na si Judy Ann Santos ay maagang naging ina sa kaniyang unang anak na si Yohan na ngayon at 14 na taong gulang na. Inampon ni Juday si Yohan noong kasikatan ng kaniyang programang Krystala kung saan naging maugong din ang pagkakamabutihan nila ni Ryan Agoncillo taong 2004.


Makalipas lamang ang isang taon ay umamin ang dalawa na sila ay magkasintahan na. April 28, 2009 naman ng sila ay magpakasal sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas.




Ayon pa sa kaniyang interview noon ay wala siyang planong mag-asawa, anak lamang. Dahil sa edad na 26 ay plano na niya talagang maging isang ina kung kaya inampon niya si Yohan.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng 40-taong gulang na aktres kung paano niya ipinaliwanag kay Yohan na siya ay inampon niya.



Sa interview ng PEP sa aktres, nasa apat o limang taong gulang pa lamang noon si Yohan ng ipaliwanag niya ang ibig sabihin ng “adoption” dahil na rin sa napapansin niyang sumasama ang loob, nalulungkot at naguguluhan. Kung kaya naman ipinaliwanag ni Juday sa anak ang kaniyang naging desisyon noon.


Dagdag pa ng beteranang aktres, alam naman niyang magkakaroon siya ng anak sa hinaharap ngunit matagal na niyang pinapangarap at dinadalangin na magkaroon ng anak sa edad na 26. Kung kaya naman isang linggo matapos ng kaniyang ika-26 na kaarawan ay nasagot na ang kaniyang dalangin. Sinabi din nito na hindi masamang bagay ang pagiging isang ampon at laking pagmamalaki naman niyang hindi ikinakahiya ng kaniyang panganay ang katotohanang ito.



Talaga ngang kamangha-mangha ang pagpapalaki ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo sa kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna. Maraming mga magulang ang kakapulutan sila ng aral at inspirasyon. Ang pagiging ina ay tunay ngang nasa puso ng isang tao. Hindi kailangan ng matinding koneksyong upang masabing ikaw at isang tunay na ina. Basta’t mayroon kang puso ng isang ina at may paggabay mula sa Panginoong Diyos tiyak na ikaw ay nasa tamang landas.




error: Content is protected !!