Ito ang regalo nila Doug at Cheska Kramer kay Kendra para sa nalalapit na kaarawan



Ang bilis talaga ng panahon. Dati ay nakikita natin si Kendra Kramer sa mga TV commercials kasama ang kanyang mga magulang. Ngayon ay nalalapit na ang pagsapit ng kanyang ika-sampung kaarawan at magugulat na lang talaga ang iba sa ikina-bago ng itsura ng bata.



Maraming naaaliw sa napaka-cute na batang ito. Marahil ay balang araw ay maging isang sikat na artista si Kendra. Hindi malayong mangyari ito dahil parehas na sikat ang kanyang mga magulang.

Dahil nalalapit na ang kaarawan ng batang si Kendra, naisipan ng mag-asawa na regaluhan ito kahit hindi pa sumasapit ang kaarawan. Makikita sa social media account ni Cheska Garcia-Kramer ang video patungkol sa regalo nila sa kanilang panganay.




Sa video ay makikitang masaya ang pamilya Kramer sa kanilang pamamasyal. Masayang kinakausap ni Cheska ang mga anak niya at tinatanong kung ano ang papanuorin nilang pelikula. Ang mga bata ay sinabing “Shazam” ang kanilang gusto. Habang tinatanong pa ni Cheska si Kendra kung kumusta ang kanyang pag-aaral.

Ang mas pinag-uusapan ngayon sa account ni Cheska sa social media ay ang niregalo nila kay Kendra. Kahit na sa ika-25 pa ng Hunyo ang kaarawan ay sinurpresa nila ang kanilang anak. Sa video ay makikita na tinatanggal nila sa pagkabalot ang regalo. Binibiro ng ama na si Doug na isa itong notebook na maaring gamitin ni Kendra sa pagsusulat sa kanyang diary. Ang unang kahon ay naglalaman ng maganda at makulay na sinturon. Sa pangalawang malaking kahon, ng mabuksan ito, sobrang ikinasaya ni Kendra dahil magandang sapatos ito.

Ang sapatos na ito ay mamahalin na may sikat na tatak na Gucci. Ito ay pares ng Princetown GG Rainbow Star Slippers na nagkakahalaga ng $395 o 20,579.10 Pesos. Bukod pa sa magandang itsura ng sapatos ay katerno pa nito ang belt na unang binuksan.

Nakaka-tuwa ang si Scarlet Kramer dahil hindi mapapansin sa bata na siya ay nainggit bagkus ito ay natuwa pa para sa kanyang ate Kendra.




error: Content is protected !!