Ito ang sampung pinaka-mahal na tirahan sa buong mundo



Pangarap mo bang maka-tira sa mamahaling bahay? Iyong tipo bang para kang hari o reyna? Nangarap ka din ba na may sariling sinehan at swimming pool ang bahay?

Tara tignan natin ang sampung pinaka-mahal na tirahan ss buong mundo:



10. Rybolovlev Estate


Masasabing isa ito sa pinaka mahal na bahay na ang nakatira ay isang pamilya lamang. Kilalang bahay ito ng presidente ng Estados Unidos na si Donald Trump na nagkaka-halaga ng $95 Million. Ito ay may beach-front na may laki na 33,000 square foot. Ang mansion na ito ay mayroong 18 bedrooms, at 22 bathrooms. Pinag-labanan din ng karapatan sa property na ito ng ex-wife ni Trump na si Elena Rybolovlev.


9. Silicon Valley Mansion


Mayroon pa lang mas mamahal sa mansion ni Trump. Ang mansion na ito ay nagkaka-halagang $100 Million na mayroong 5 bedrooms at 9 bathrooms. Mayroon din itong swimming pool na pang-indoor at pang-outdoor. Kaya naman walang problema kung sakaling umulan at makaka-langoy pa rin.


8. Fleur De Lys


Sa itsura pa lamang ng Mansion na ito ay masasabing napaka-mahal na nito. Pero naging pang walo lamang siya sa listahan. Nagkakahalagang 125 Million ang nasabing mansion na mayroong 15 na bedrooms at may laking 41,000 square feet.



7. The Manor


Ngayon naman ay dumako tayo sa pang pito na pinaka-mahal na residential real estate listing sa Estados Unidos. Ito ay nagkakahalaga ng $150 Million at may laki na 56,000 square feet. Mayroon itong 123 na kwarto, bowling alley, ice rink, at nakaka-gulat din na mayroong isang lugar na para lamang sa mga damit ng asawa ni Aaron Spelling.

6. The Pinnacle


Pagmamay-ari ni Tim Blixseth ang malaking mansion na ito sa Montana. Ang mansion na ito ay may dalawang kakaiba sa ibang mamahaling mansion. Una ay mayroong pribadong upuan na pang akyat sa Ski-resort na pagmamay-ari din ni Blixseth. Pangalawa ay itong mansion na ito ay napasama sa listahan na hindi talaga nila pinapahayag na mamahalin ang kanilang mansion. Nagkakahalagang $155 Million ang property na ito na talagang marami ang matutuwa dahil may Ski-resort ito.



5. Franchuk Villa


Napaka-saya sigurong makatira sa bahay na ito dahil sa maraming magagawa dahil sa mga nakalagay dito. Mayroong 10 kwarto sa limang palapag na gusali, underground indoor swimming pool, panic room, at private movie theatre na nagkakahalagang $161 Million.

4. The Hearst Mansion


May tatlong trivia patungkol sa mansion na ito. Una ay dito nag honeymoon si John F. Kennedy. Pangalawa ay ginamit ang lugar na ito sa pelikulang “The Godfather”. Pangatlo ay ito ang pinaka-mahal na mansion sa Estados Unidos na nagkakahalagsng $165 Million.

3. Fairfield Pond


Nagkakahalagang $198 Million ang property na ito na may laki na 66,000 square foot. Ang main house ay may basketball court, bowling alley, at bot tub na nagkakahalagang $150,000.

2. Villa Leopolda


Ito ay pinagawa ni King Leopold II ng Belgium noong 1902 at matatagpuan sa French Riviera, isang russian na bilyonaryo ang nakabili nito na ang pangalan ay Prokhorov sa halagang $736 Million. Sobrang laki ang tinalon ng presyo nito sa top 3 sa listahan. Mayroon itong 27 stories, 19 bedrooms, at nasasabing mayroong 50 na full-time gardeners.

1. Antilla


At may nanalo na! Ito ang pinaka-mahal na bahay sa buong mundo. Ang kakaibang bahay na ito ay may 27 stories, 6 floors na parking, may health level, gym, ice room, ballroom level, four storey garden, at maraming kwarto. Nagkakahalagang $1,000,000,000 ang nasabing gusali na ito. Kung pagmamasdan ay sobrang kakaiba ang itsura nito. Ang pagkakagawa nito ay hango sa Indian tradition na tawag ay Vastu Shastra.




error: Content is protected !!