Sikat na artista sila noon ngunit mas pinili nilang umalis ng showbiz at mamuhay sa ibang bansa!



Marami sa atin ang nakakakilala sa mga artistang ito na noon ay sumikat ngunit mas piniling iwanan ang industriya ng show business upang mamuhay at manirahan sa ibang bansa. Narito ang ilan sa kanila:

G TOENGI




Si G Toengi o kilala rin bilang si Giselle Toengi ay nakilala noong ‘90s dahil sa kaniyang husay at galing sa pagsasayaw at pag-arte. Ngunit mas pinili niyang lisanin ang showbiz at ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa ibang bansa. Nagtapos siya sa University of California, Los Angeles. Isa na siya ngayong communications director sa Tanduay, USA.

BETH TAMAYO


Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Beth Tamayo? Kahit pa isa siya sa pinakasikat at pinakamahuhusay na aktres ng kaniyang henerasyon ay mas minabuti pa rin niyang mag-settle sa Estados Unidos. Naninirahan na siya ngayon sa New York City at nagtatrabaho sa isang investment company.



CAROL BANAWA



Nakilala naman si Carol Banawa dahil sa kaniyang golden voice. Palagian siyang kumakanta noon sa Sunday noontime show na ASAP at nakagawa rin siya ng ilang mga programa sa telebisyon at pelikula. Ngunit sa kabila ng tinatamasa niyang kasikatan ay ang pangarap niyang maging nars sa Washington D.C. USA. Siya ngayon ay mayroon nang sariling pamilya at masayang namumuhay kasama ang kaniyang mister na si Ryan Crisostomo.

NANCY CASTIGLIONE


Taong 2000 naman nang sumikat nf Filipina-Italian VJ at aktres na si Nancy. Ngunit mas ninais niyang manirahan sa Canada kasama ang kaniyang pamilya. Naninirahan siya ngayon sa Great White North, isa rin siyang vlogger at development manager.

ANJANETTE ABAYARI


Isa rin sa mga prominenteng aktres noon si Anjanette Abayari na isang beauty queen na naging aktres. Siya ay kinoronaham bilang Bb. Pilipinas 1991. Isa rin siya sa mga artistang gumanap bilang Darna. Nasangkot siya noon sa isang substance issue dahilan upang siya ay manirahan sa Estados Unidos.

JOYCE JIMENEZ


Si Joyce Jimenez ay kilala rin bilang “Pantasya ng Bayan” dahil sa kaniyang pagganap ng mga daring roles sa iba’t-ibang mga pelikula. Nabigla ang lahat sa kaniyang desisyon na iwanan ang showbiz. Taong 2008 naman nang ikasal sila ng Filipino-American partner niya na si Paul Ely. Sila ay biniyaan ng tatlong anak.




error: Content is protected !!