Anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel, nagsasanay na sa boxing



Lahat tayo ay may pangarap marating sa buhay. Noong bata pa lamang tayo ay madalas tayong tinatanong ng ating magulang kung ano ang gusto natin maging kapag tumanda. Karaniwan sa mga sagot dito ay propesyon katulad ng doktor, pulis, artista, atbp. Pero bilang isang bata, tayo ay humahanga sa taglay ding husay ng ating mga magulang at naiisip na sana ay sa pagtanda ay maging katulad nila.



Katulad na lamang ng anak ng Pambansang Kamao na si Jimuel Pacquiao. Sa paghanga niya sa kanyang ama ay nais na rin ni Jimuel na pumasok sa mundo ng pagbo-boxing. Bibihira lang sa mga tao ang pinangarap ang ganitong propesyon dahil na rin sa hirap ng pageensayo ay matinding sakit din ang naidudulot kapag ikaw ay sumabak na sa ring.


Kahit na mayaman na ang pamilyang Pacquiao, hindi pinigilan ng ama ang kagustuhan ng anak at sinuportahan pa ito sa pagtulong niya sa pageensayo. Makikita sa ilang social media accounts ang pageensayo ni Jimuel na umani ng maraming reaksyon mula sa mga netizens. Makikita rin na masaya ang ama habang nageensayo ang anak.


Mabilis ang panahon, dati ay nakikita lang natin si Jimuel na bata pero ngayon ay isang binatilyong nangangarap sundan ang yapak ng kanyang ama. Halos lahat naman ng pinoy ay hinahangaan ang Pambansang Kamao dahil na rin sa karangalang inuuwi niya sa ating bansa. Malay natin, balang araw ay muling makilala ang pangalang Pacquiao sa mundo ng boxing pero si Jimuel na ang sasabak dito. Samut-saring komento ang ibinahagi ng mga netizens sa nakitang pageensayo ng binatilyo. Ilan dito ay mga paghanga sa ipina-malas na talento ni Jimuel sa pagsasanay.



Ito ang ilan sa mga komento:
“Pangarap nya yan! Sinusuportaan lang sya ng Tatay nya. Kasi nasa dugo na yankaya imbes na matuwa pa sana kayo, eh negative mga puna nyo. WALANG MASAMA ANG MANGARAP KAHIT NAKAHIGA PA YAN SA PERA. MAS NAKAKAPROUD PA NGA PAKINGGAN. Na kahit madaming pera yan mas pinili pa nya ang masaktan dahil yan ang gusto nyang maging daan tungo sa tagumpay.. ”

“Okay nman po pg boksingero ika nga nsa dugo na yan. Pro po alam nyo nman bilang magulang na mahirap maging isang katulad ninyo. Hindi madaling masktan, mabugb0g, [email protected] eye, put0k labi at ano pa. Mg aral nlng pong mabuti and be a good future leader in our nation like your dad.”




error: Content is protected !!