Kabigha-bighaning larawan ni Jinkee Pacquiao noong 1996 pageant niya, humakot ng paghanga at papuri mula sa mga netizen!



Maraming mga kababaihan ang nangangarap na makasali at makapag-uwi ng korona sa isang beauty pageant. Tila parang isang lihim at simpleng pangarap ito ng maraming mga kababaihan kahit pa noong bata pa lamang sila. Hindi na nakapagtatakang walang sawa tayong sumusubaybay sa mga ganitong uri ng patimpalak na hindi lamang kagandahan ng pisikal na anyo at panglabas na kagandahan ang pinagbabantayan kundi ang mabuting kalooban ng mga kandidatang sumasali.


Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang nakakabighaning larawan ng asawa ng Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao. Siya ay kasal sa kaniyang misis na si Jinkee Pacquiao. Usap-usapan din sa social media ang mga magagandang kasuotan, bag at accessories ng ginang na umani ng maraming mga positibong komenta ang milyon-milyong mga tagahanga. Ang larawan nga ni Jinkee Pacquiao na naging viral sa social media ay napag-alamang sumali din sa mga beauty pageant noon. Sa katunayan ay hindi magkamayaw sa pagkomento ang isang milyon niyang followers sa Instagram at 755 libong likers niya sa Facebook.




Ang nasabing larawan ay kuha pa noong 1996 kung saan ang 39 na taong gulang na si Jinkee ay nagbahagi ng larawan na ito sa kaniyang social media account. Sa nasabing post ay nilagyan nya ito ng caption na, “Flashback Friday. 1996 when i joined “Binibining Heneral Santos” (Ms. Gensan) Can you spot me in this picture?” Ang larawang iyon ay kuha sa isang “poolside” kasama pa ang ibang naggagandahang 13 kababaihan sa nasabing patimpalak.


Agad namang nagkomento ang kaniyang mga tagahanga at nakita agad siya sa nasabing larawan. Tunay ngang hindi mo aakalaing lima na ang anak ng dating Gobernador ng Saranggani. Hindi lamang kagandahan ang hinahangaan sa kaniya kundi maging ang mga mamahalin niyang mga bag, alahas at mga damit. Hindi mo na nga aakalain na nagsimula sila sa hirap at ngayon ay matagumpay na sa buhay. Tunay ngang kung mayroon kang sipag at tiyaga, pangarap mo ay tiyak mong makakamtan!





error: Content is protected !!