Manny Pacquiao at anak niyang si Israel lumabas sa isang Thai commercial, umani ng positibong komento mula sa publiko!

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa Pambansang Kamao ng Pilipinas? Isa sa pinakahinahangaang tao sa buong mundo. Hindi lamang dahil sa kaniyang husay at galing sa larangan ng boksing ngunit dahil na rin sa kaniyang kababaang loob at takot sa Diyos.

Siya ay siManny Pacquiao, isa sa mga Pilipinong nagbigay karangalan sa ating bansa. Siya ay kilala rin bilang si Emmanuel Dapidran Pacquiao sa tunay na buhay. Siya ay 40-taong gulang na. Bukod sa pagiging propesyonal at mahusay na atleta ay isa rin siyang pulitiko na kasalukuyang naglilingkod bilang senador ng Pilipinas.

Siya ay kasal sa misis niyang si Jinkee Pacquiao at sila ay biniyayaan ng limang mga anak. Ito ay sina Emmanuel Pacquiao Jr., Mary Divine Grace Pacquiao, Michael Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao, at Israel Pacquiao.

Kamakailan lamang ay ikinamangha ng mga netizen ang paglabas ng senador Manny at kaniyang anak na si Israel sa isang Thai commercial. Ayon sa ilang ulat, ang commercial na ito ay patungkol sa pagiging malapit ng ama at anak sa isa’t-isa. Talaga namang kinagiliwan ang kagwapuhan at kacute-an ng mag-ama sa nasabing patalastas ng maraming mga netizen.

Talaga nga namang malayo na ang narating ng pamilya Pacquiao. Kung dati ay hikahos sila sa buhay at salat sa lahat ng bagay, ngayon ay masasabi na natin na marami na silang napagtagumpayan at mga bagay na tinatangkilik ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin nila nalilimutang magpasalamat sa Panginoong Diyos at tumulong sa maraming mga Pilipino na nangangailangan ng kanilang pagtulong.

Tunay ngang basta’t ikaw ay nagsusumikap sa buhay, at nanalig sa Panginoong Diyos, walang imposibleng bagay ang hindi mo makakayanang gawin. Kung ang iyong pangarap ay sasamahan mo ng matinding pagsusumikap at pagtitiyaga ay tiyak na makakamtan mo ang iyong pangarap hindi lamang para sa iyong sarili kundi para na rin sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay.



error: Content is protected !!