Sa loob lamang ng 11 buwan ay nakapag-ipon na ang lalaki na ito ng 80,000 pesos!

Maraming nagsasabi na mahirap na talagang mag-ipon sa ngayon dahil sa dami ng gastusin, at sa mahal ng mga bilihin. Ngunit sa kabila ng maraming mga hadlang na ito ay nakuha pa ring makaipon ng lalaking ito ng malaking halaga nang wala pang isang taon.


Ibinahagi nga ni Jesse Palerit ang kwento sa likod ng kaniyang 100 peso challenge na kaniyang ibinahagi sa kaniyang social media account. Siya ay nagtatrabaho bilang full-time head security ng Department of Agrarian Reform na matatagpuan sa Quezon City. Pinatunayan niyang hindi naman kailangan maging marangya sa buhay o maging mayaman upang ikaw ay makapag-ipon.


Bawat 100 piso na kaniyang mahahawakan ay hindi niya ginagastos sa halip ay itinatabi niya at iniipon sa kaniyang alkansya gayundin ang mga limang piso at sampung-piso na buo na kaniyang natatanggap. Nais niyang mag-ipon sa loob ng isang taon ngunit hindi niya inaasahang sa ika-11 buwan pa lamang ay mapupuno na ang kaniyang alkansya. Siya ay nakaipon ng halagang Php84,515.


Gagamitin diumano ni Jessie ito para sa kaniyang online ticketing at loading business habang ang ibang pera ay ilalaan niya para sa kanyang planong money lending project.

Aminado naman si Jessie na hindi ganoon kadali na makapag-ipon ng ganitong halaga sa araw-araw. Ngunit sa kabila nito ay masaya pa rin siyang napagtagumpayan niya ang kaniyang ipon challenge. Tunay ngang hindi kailangang maging mayaman upang makapag-impok, sadyang disiplina lamang sa sarili, at tamang pagtitipid. Gayun na din ang tamang depinisyon para sa “wants” and “needs” ng isang tao. Kung bibili ka nga naman ng isang bagay, kailangan mo nga ba talaga ito? O nais mo lamang magkaroon nito?


Tunay ngang wala sa edad, o maging sa kasarian ang katagumpayan ng iyong pag-iimpok. Ito ay nasa disiplina mo sa iyong sarili at sa iyong mga plano o magiging plano para sa maiipon mong pera.



Reply

error: Content is protected !!