Toni Gonzaga namili sa Taytay Tiangge sa halagang 1,000 piso lamang, viral video patok na patok ngayon sa publiko!



Si Toni Gonzaga o mas kilala rin bilang si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano ay isang 35-taong gulang na singer, song writer, host, actress, endorser, model at producer. Ikinasal siya sa kaniyang nobyo na si Paul Soriano noong 2015. At biniyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Severiano “Baby Seve” Elliott.



Siya ay taga-Taytay Rizal at sina Carlito at Crisanta Gonzaga ang kaniyang mga magulang. Kaisa-isa naman niyang kapatid ang artista ding si Catherine “Cathy” Gonzaga o mas kilala na Alex Gonzaga ng publiko.

Sa edad na 13 taong gulang ay sumabak na siya sa isang singing competition kung saan sumali din sina Kyla at Faith Cuneta. Ngunit ang nagbigay ng malaking pag-asa sa kaniya sa industriya ng show business ay ang kaniyang patalastas noon kasama ang sikat na aktor na si Piolo Pascual.




At ngayon nga ay madalas pa rin siyang nakikita sa ilang mga pelikula at telebisyon. Kasalukuyan siyang regular na host ng Pinoy Big Brother at kamakailan lamang ay nagkaroon na din siya ng sarili niyang social media channel.


Isa sa kaniyang mga video ang talaga namang naging usap-usapan ng maraming tao at sa kasalukuyan ay mayroon na itong 2,576,871 na views. Ang video na ito ay ang pagtungo niya sa isang sikat na pamilihan sa Taytay, ang Taytay Tiangge.


Ang dalang pera ng aktres ay isang libong piso lamang, at talaga ngang sulit na sulit ang kaniyang dalang pera dahil sa dami ng kaniyang mga pinamili. Aakalain mo bang sa halagang isang libong piso ay nakapamili na siya ng ilang damit niya, kalahating dosenang damit ni Seve at damit para sa kaniyang “personal assistant” at sa yaya ng kaniyang anak na si Seve.


Maraming mga netizen ang natuwa sa aktres dahil sa wala itong arte at walang selan sa katawan. Tunay ngang mommy na mommy na rin siya dahil sa naipamili niya muna ang kaniyang anak bago ang kaniyang sarili.




error: Content is protected !!