“Under” ang pinaka-malaking underwater restaurant sa buong mundo

Seafood lover ka ba? Siguradong magugustuhan mo ang mga pagkain dito at mas mamamangha ka sa kakaibang ganda ng lugar! Dahil ang restaurant ay sa ilalim ng dagat! Matatagpuan ang underwater restaurant sa Lindesnes sa Southern Norway. Ito ang tinaguriang pinaka-malaking underwater restaurant sa buong mundo. May lalim itong five meters sa below sea level at mga pagkain sa restaurant na ito ay mga pagkaing dagat.

Ayon sa founder ng isang restaurant na si Gaute Ubostad:
“We’ll attract tourists from all over the world. That is our goal,”

Idinagdag pa ni Ubostad:
“We aim to become a spearhead in order to have success in the international market. I believe it’ll be an attraction that makes that more people consider it exciting to come to Norway and combine a visit here with other things,”

Sa restaurant na ito ay kakaibang karanasan dahil habang kumakain ay matatanaw ang kagandahan ng ilalim ng dagat na tila bang parang nakatira ka sa ilalim. Maaari ding mapag-aralan at maobserbahan ang mga buhay ng mga nasa ilalim ng dagat.

Ang restaurant na “Under” ay binuksan noong Marso ng taong 2019. Ito ay matatagpuan sa Spangereid sa Municipality ng Lindesnes na dulo ng Southern Norway.

Dahil tinaguriang pinaka-malaking underwater restaurant. Ang Under ay mayroong seating capacity na kayang kumuha ng 100 guests. Sa gabi naman ay kayang tumanggap ng 40 guests. Ang lugar na ito ay para din magkaroon ng kaalaman sa marine biology at sa walang katulad na karanasan. Sa mismong restaurant ay may isang malaking monumental glass wall na kayang ibigay ang panoramic view ng ilalim ng dagat.

Sa lugar na ito ay makakakita ka ng maraming nabubuhay na nilalang sa dagat katulad ng pollack at cod, colourful wrasses, urchins, crabs, lobsters, spiny dogfish, at maraming seaweed na parang mga nagsasayawan. Makaka-kita rin ng mga Seals pero hinihiling ng isang marine researcher na si Trond Rafoss na sana ay bihira lng pumunta ang mga Seals dahil umaalis ang mga isda sa takot dito.

Ang head chef ng Under ay si Nicolai Ellitsgaard Pedersen. Ang mga pagkain sa restaurant ay mga isda at seafood. Ang mga pagkain ay may kakaibang presentation. Karaniwan ay nilalagay nila sa mga batong dagat. Sinabi pa ni Pedersen na nag-iisip pa siya ng mga ibang pagkain na makikita sa dagat. Katulad na lamang ng seaweed na pwedeng gawing dessert.

Tunay na isang magandang karanasan na ang naramdaman ng mga naka-bisita sa lugar na ito.



error: Content is protected !!