Categories: ShowbizViral

Vic Sotto at misis nitong si Pauleen Luna masayang nagbakasyon sa USA kasama ang anak na si Tali!

Kadalasan na nating inaabangan ang mga idolo nating mga sikat na artista sa paglabas nila sa mga telebisyon, pelikula o patalastas. Kaabang-abang ang kanilang mga pananamit, ang bagong istilo ng kanilang buhok o make-up, o di kaya naman ay ang kanilang bakasyon dito sa Pilipinas o maging sa ibang bansa.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang bakasyon ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto kasama ang kanilang baby na si Tali. Talaga namang ikinatuwa ng mga netizen ang mga larawan at video na ibinahagi ng mag-asawa sa kani-kanilang social media account.


Nagtungo ng California ang mag-anak upang makapagpahinga, makapagrelax at makapagbakasyon na din. Ilan sa mga video na ikinatuwa ng maraming mga netizen ay ang video ni baby Tali na kumakain ng saging habang naghihintay ng kanilang flight.

Talaga nga namang lumalaki na ang baby ni Bossing at Poleng. Mayroon ding ibinahaging larawan ang misis ni Bossing Vic na si Pauleen, aakalain mong hindi stressed ang natural beauty ng magaling na tv host at aktres na ito kahit pa 2 oras lang natulog si baby Tali sa 12 oras nilang pagbiyahe.


Nagtungo rin ang mag-anak sa Redondo Beach, talaga namang masayang masaya ang mag-anak sa kanilang bakasyon. Makikita pa ngang behave na behave si baby Tali sa loob ng sasakyan kasama ang kaniyang mga magulang.

Umani ang larawan ni baby Tali ng higit sa 47,000 likes. 29,000 likes naman ang inani ng larawan ng mag-anak na mayroong caption na “Beautiful weather today!”


Talaga nga namang nakakatuwang pagmasdan ang pamilyang ito. Larawan sila ng masayang pamilya na isang napakagandang inspirasyon sa marami pang pamilyang Pilipino. Sa kabila ng kanilang kaabalahan sa kani-kanilang mga trabaho ay nagagawa pa rin ng mag-asawang Vic at Pauleen na maglaan ng oras para sa kanilang pamilya lalong lalo na para sa kanilang anak.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago