Kauna-unahang property na naipundar ni Joshua Garcia, inialay niya sa kaniyang ama!

Ang mga magulang ay sinasabing hindi matitiis ang kanilang mga anak anuman ang ugali nito. Kung matitiis ng mga anak ang kanilang mga magulang ay hinding hindi ito makakayanang gawin ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ngunit iba din naman ang kwento ng aktor na si Joshua Garcia.


Siya ay 21 taong gulang na aktor, modelo, at endorser. Siya ang on-screen loveteam at nobyo ng aktres na si Julia Barreto. Sumali din siya noon sa Filipino reality show Pinoy Big Brother: All In at ipinakilala sa publiko noong April 27, 2014. Siya ay nakilala bilang “Tatay’s Boy ng Batangas.”


Hinangaan ng marami ang pagreregalo ni Joshua Garcia ang isang three-level townhouse sa kaniyang ama na si Geo Garcia. Ang town house na ito ay matatagpuan sa Quezon City. Hindi na sinabi pa ng aktor ang presyo ng nasabing bahay ngunit pabiro niyang sinabi na cash niya itong binayaran.


Labis din namang ikinatuwa ng mga netizens lalo na ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang tagumpay na ito ng aktor. Narito ang kanilang mga naging komento:

“Congratulations! Really nice! Cno Ang Architect & Interior Designer mo?”

“More blessings to come para iyong sunod house na tlga with pool and malaking garages.”

“Siya ang Loydi na young generation.”

“Ang saya ko para kay joshua deserve nya lahat ng blessings.” “Congratulations Joshua and Gaudencio!”

“Super cute ng bahay nila ang ganda!”


Tunay ngang ang tagumpay ng mga anak ay maituturing din na tagumpay ng mga magulang. Isang inspirasyon si Joshua Garcia sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan na huwag makakalimot sa kani-kanilang mga magulang kung sakali man na naabot niyo na ang inyong mga pangarap. Dahil mas doble ang ligayang nadarama ng mga magulang sa tagumpay ng kanilang mga anak. Anuman ang iyong marating sa buhay bilang isang anak, isang kapatid, asawa o ina, lahat ng ito ay tiyak na ikatutuwa ng iyong mga magulang.



Reply

error: Content is protected !!