Ating kilalanin ang napakacute na anak ni Beauty Gonzales na sasabak na din sa show business!

Tunay ngang makulay at masaya ang mundo ng show business dito sa ating bansa. Ngunit ito ay may kaakibat ding mga gulo at samo’t saring mga kontrobersya. Sa kabila nito ay marami pa ring nangangarap at nagnanais na makapasok sa industriyang ito. Dahil nga mahirap ang pagsabak sa industriya na ito, mas mapalad at mas may tyansang mapansin ang mga anak ng artista o mga anak ng sikat na personalidad. Siyempre bukod dito ay kailangan mo rin ng talento, at magandang mukha.

Hindi nakapagtataka na sa murang edad ay maitatampok na ang panganay ng aktres na si Beauty Gonzales. Olivia ang ipinangalan ni Beauty sa anak nila ng mister na si Norman Crisologo. Bilang isang ina ay hindi maiaalis ang pangamba at takot kay Beauty dahil ito ang unang pagsabak ng kaniyang anak na si Olivia sa harap ng kamera bilang isang modelo ng produktong pangbata.

Maging ang kaniyang asawa na si Norman ay aminadong hindi sanay sa harap ng kamera ngunit nasasanay na rin diumano siya dahil sa pagsama-sama niya sa mga taping ng misis.

Dagdag pa ni Beauty ay nais niyang maligayahan ang anak sa pagharap sa kamera, hindi na kinakailangan pang pwersahin ang kaniyang anak at baka ito ay matakot. Inamin din ng aktres na labis ang kaniyang pagprotekta sa anak. Kagaya na lamang ng iba pang mga nanay at magulang.

Sa taglay na ganda ng kaniyang anak ay tiyak na mamahalin ito ng maraming mga tao. May bago na namang susubaybayan at aantabayanan ang maraming mga manunuod.

Anong malay natin, ilang taon mula ngayon ay sundan ni Olivia ang mga yapak ng kaniyang ina na isa ring mahusay na aktres at kasalukuyang gumaganap sa karakter ni Romina Mondragon sa Kadenang Ginto na mapapanuod sa Kapamilya network tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes. Kasama din sina Albert Martinez, Dimples Romana, at Luis Alandy.



Reply

error: Content is protected !!