Bagong kasal, sinuong ang putik mairaos lamang ang kanilang kasal!

Itinuturing na sagrado at banal ang isang kasal, kung kaya naman marami sa mga kababaihan ang nangangarap na magkaroon ng hindi malilimutang kasal. Mayroong mga nagnanais ng marangyang kasal habang ang ilan naman ay simple lamang ang gusto basta’t kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at kamag-anak.


Kadalasan pa ngang pinapaalala ng mga matatanda na ang kasal o ang pag-aasawa ay hindi parang isang kanin na mainit na kapag ikaw ay napaso ay mailuluwa mo kaagad. Ang pagpapakasal ay isang napakalaking responsibilidad at obligasyon hindi lamang sa babae na ikakasal kundi maging sa lalaki na mapapangasawa nito.

Kung kaya naman mas mabuting siyasatin muna ang inyong mga sarili bago magdesisyong magpakasal at lumagay sa tahimik.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang bagong kasal na ito na hindi alintana ang putik sa araw ng kanilang kasal. Napakasweet ng bagong kasal na ito mula sa Cagbatang Masbate na magkayakap na sumasayaw sa saliw ng musika ni Mariah Carey na “Without You”.

Napatunayan nga nila na sa hirap at ginhawa ay walang makapaghihiwalay sa kanila. Kahit pa sandamakmak na putik pa yan na maaaring maging abala at dumi sa kanilang kasuotan. Makikita ang pagmamahalan sa mata ng bagong magkabiyak kung kaya naman naisipan ng kaibigan ng bride na kuhanan ang kamangha-manghang tagpo.


Marami sa atin ang hindi makuntento sa isang bagay lalo na kung hindi ito perpekto. Kung kaya naman hinangaan ng marami ang mag-asawang ito na hindi nagpapigil sa kapal ng putik at tinuloy pa rin ang kasiyahan sa kabila ng maaari nilang sapitin. Aanhin mo nga naman ang perpekto at magarbong selebrasyon ng inyong kasal kung hindi ka naman magiging masaya sa raw na iyon.

Newlywed couple dances in the mud on wedding day

Congrats to the newlyweds! 💕No weather can stop these newlyweds as they danced their first waltz on mud during their reception at Cagbatang, Cataingan, Masbate. (Video courtesy of Bebsan Mercader Jimenez)

Posted by MANILA BULLETIN on Wednesday, January 9, 2019

Tiyak din naman na hindi malilimutan nang mag-asawa ang pangyayaring ito sa kanilang kasal. Pangyayari na maaari pa nilang maibahagi at maikwento sa kanilang mga magiging anak at apo.



Reply

error: Content is protected !!