Gusto ni Erik Matti na si Nadine Lustre ang gumanap bilang Darna

Marami ang nalungkot ng nabalitaang hindi na si Liza Soberano ang gaganap na Darna. Dahil ito sa natamong injÜry niya sa palabas na Bagani. Kaya naman ito ay pinaguusapan ng maraming tao kung sino ang maaaring sumunod na Darna. Ang direktor na si Erik Matti ay may napupusuang isang aktres na maaaring maging susunod na Darna. Ayon sa Direktor na ito ay si Nadine Lustre ang bumabagay sa role na ito.


“I really feel that Liza would have been a fresh and exciting Darna. She’s young and embodies a lot of potentials to create a modern take for this classic superhero character,” sinabi ni Erik Matti para kay Liza Soberano


“After her, I only see Nadine Lustre so far as someone who can be Darna. Very sultry. She has a lot of female sensuality and at the same time still looks tough and very Filipina,” ito naman ang sinabi ni Erik Matti na pwedeng maging Darna.

“The key to casting Darna has always been someone who can look plain and ordinary in her Narda alter ego but can be tough, spunky, and can be very sexy as well when she transforms to Darna. Nadine can look all of that,” ito pa ang sinabi niya sa personal na pagpili niya kay Nadine.


Ito ay lubos na ikinatuwa ni Nadine Lustre. Isang karangalan na rin maituturing ang mapabilang sa mga pwedeng maging Darna.

“I super appreciate that. For them to see me as a person who is strong and very empowered—Darna is a strong woman and nakikita nila sa akin yun, it’s good.” Ito ang sinabi ni Nadine sa hiwalay na panayam.

“I want to thank everyone for the support of course but Darna kasi, I am sure, it will be given to someone who is deserving for the role and someone who can really give justice.” dagdag pa ni Nadine


Isa din sa mga pangarap ni Nadine ang magkaroon na aksyon na palabas. Katulad na lamang daw ng mga palabas ni Angelina Jolie. Ngayon ay inaantay pa natin kung sino talaga ang susunod na Darna. Si Nadine na kaya? Ano sa tingin niyo?



Reply

error: Content is protected !!