Narito ang ilan sa mga masamang dulot ng paggamit ng cellphone habang nasa palikuran!

Sa paglipas ng panahon, marami na tayong ikinaunlad hindi lamang sa mga magagarang kagamitan, sa teknolohiya ngunit maging sa pang-araw-araw nating gawi. Kung dati rati ay lumilipas ang ating araw ng hindi gumagamit ng laptop, computer, o cellphone sa pagchecheck ng ating mga social media account, ngayon ay tila hindi kumpleto ang ating araw nang hindi ito ginagawa.

Sa panahon ngayon tila nakasanayan na nang lahat sa atin ang paggamit ng cellphone magmula sa pagdilat ng ating mga mata sa umaga hanggang sa ating pagpapahinga at pagtulog sa gabi. Kahit pa mga sa paggamit ng banyo ay nangangailangan din ang ilan sa atin ng cellphone upang pangpalipas oras at pangtanggal inip sa ating pagdumi.

Narito ang ilan sa mga masasamang epekto ng paggamit ng cellphone habang nasa banyo:

  • Hindi maayos na pagdaloy ng dugo sa ulo na maaaring magdulot ng pagkahilo.
  • Panunuyot ng mata dahil sa madalang na pagkurap at hindi hustong liwanag sa banyo.
  • Malaki ang tyansa ng pagkakaroon ng luslos o cervical disk dahil sa labis na pagyuko kakagamit ng cellphone habang nagbabanyo.
  • Maaaring tumaas ang presyon o di kaya naman ay atakihin sa puso ang isang taong mahilig gumamit ng cellphone sa banyo.
  • Nakakapagdulot din ng hemorrhoids ang labis na pag-upo sa inidoro.
  • Osteoarthritis ay isa pa sa mga sakit na maaari mong makuha rito. Dahil sa labis na pag-upo sa banyo habang gumagamit ng cellphone.
  • Deep vein thrombosis din ang isa sa mga maaaring maging sakit sa madalas na paggamit ng cellphone habang nagbabanyo.

Mayroong mga bagay tayo na nakagawian na hindi mo aakalaing maaari pa lang makasama sa ating katawan o kalusugan kung kaya naman marapat lamang na sa ngayon pa lang ay maiwasto na natin ang mga maling gawain natin na ito. Mas masarap mabuhay dito sa mundo nang malusog at tiyak na ikaliligaya rin ito ng ating mga mahal sa buhay lalo na ng ating mga anak o magiging pamilya.

Tamang disiplina at sapat na kaalaman lamang ang kailangan upang maging maayos ang ating pangangatawan at kalusugan. At kung mayroon tayong maayos na kalusugan ay tiyak na mas maaalagaan natin ang ating mga mahal sa buhay at mas makakasama natin sila ng matagal.



Reply

error: Content is protected !!