Pia Wurtzbach, handang mag-audition sa role na Darna

Kung tatanungin ang bawat pinoy kung sino ang pinaka-sikat na superhero natin, karaniwan ang sasabihin ay si Captain Barbel at si Darna. Kumbaga para sila ang Pinoy Version ng Superman at Wonder Woman ng DC Comics.


Tunay na isang karangalan para sa mga artista ang gumanap bilang isang superhero na katulad nila dahil naaalala ng mga tao ang nilalarawan nilang mga karakter. Dahil sa pag-urong ni Liza Soberano sa role bilang Darna. Maraming tao na ang nagiisip kung sino ang pwedeng maging susunod na Darna. Isa sa mga napipili ay si Pia Wurtzbach.


Matatandaang ginampanan ni Liza Soberano ang kwento ng buhay ni Pia Wurtzbach sa MMK. Ito na rin marahil ang naging dahilan sa pagkakaibigan nila. Nalungkot din si Pia Wurtzbach ng nalaman niya ang pag-urong ni Liza Soberano sa role na ito.

Ayon kay Pia:
“Nalungkot ako talaga kasi kaibigan ko na din si Liza eh. I remember talking to her about the movie Darna while we were doing ASAP in Australia, the preparation and how she was really excited about it.”


“And ‘yung feeling na, alam mo ‘yun sa iyo na eh pero may things na ‘di natin ma-control. I feel bad for her. And I also messaged her kasi I can imagine what it feels like,” Sa pakikipag-usap ni Pia kay MJ Felipe, sinabi niya na ang pagiging Darna ay “The role of a lifetime.”. Natuwa din si Pia Wurtzbach dahil isa siya sa mga napupusuang gumanap sa role na ito.

Ito ang sinabi ni Pia Wurtzbach:
“I’m very flattered they think I could play the role of Darna. That’s an iconic role and a really sought after role.”


“Kung papalarin na ibibigay sa akin ‘yung role na Darna, tatanggapin ko. I will work hard, I will train, I will attend workshops. Ibibigay ko lahat ng lakas ko.” Tinanong din siya kung sakaling may audition ay sasali ba siya?


Ito ang naging sagot niya:
“Oh Yeah, of course! If I find out that they’re open to have me audition, then I’m going to try. Why not?”

Image source: Instagram 



Reply

error: Content is protected !!