Kinatuwaan ng marami ang lalaking ito dahil sa nadala pa niya ang kaniyang plato palabas ng nasusunog na gusali!

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ng lalaki na ito na may dala-dalang plato paglabas ng nasusunog na gusali. Napag-alaman sa ilang ulat na ang nasabing lalaki ay isa palang estudyante na kumakain sa loob ng Gaisano Mall Davao o kilala din bilang GMALL. Umani ito ng maraming mga nakakatuwang komento sa social media dahil sa hindi pangkaraniwang kuha ng larawan na ito.


Ang netizen na nagbahagi ng larawang ito ay nakilala bilang si Joshua Jamez. Ika-10 ng Abril nang namataan ang malaking itim na sunog sa nasabing mall. Kung kaya naman dali-daling inilikas ang mga tao sa loob nito para sa kanilang kaligtasan.


Ang estudyante sa larawan na viral ngayon ay nadala pa ang kaniyang plato habang lumilikas sa nasabing mall. Mayroon pa nga itong kanin at manok sa kaniyang plato na talaga namang nakapagpagaan ng loob ng mga taong lumilikas.


Halo halo ang komentong natanggap ng post na ito, marami ang natuwa sa estudyanteng ito at habang karamihan naman ay nag-alala para sa kaligtasan ng mga namamasyal, at nagtatrabaho sa nasabing mall. Ayon pa sa ilang ulat, bandang 4:17 ng hapon ng tumawag ang mga tao doon ng bumbero, agaran naman silang rumesponde at bandang 4:40 ng hapon ay tuluyan nang naapula ang apoy. Sa kabutihang palad buti na lamang at walang naiulat na nasaktan o namatay sa nasabing sunog.


Maaaring nakakatuwa ang pangyayaring iyon sa estudyante ngunit talaga namang nakakabahala pa rin ang mga sakuna tulad ng sunog. Mas mainam pa rin na unahin ang sariling kaligtasan, at ang kaligtasan ng iyong mga kasamang mahal sa buhay sa mga ganitong panahon. Mas mabuti pa rin ang nag-iingat sa lahat ng pagkakataon kaysa magsisi sa huli. Laging tandaan na ang buhay ay mahalaga at hindi dapat ipagsawalang bahala ang mga sakuna o trahedya na katulad nito.



Reply

error: Content is protected !!