Bianca Gonzalez naglabas ng kaniyang saloobin patungkol sa pagiging morena niya at ng iba pang kababaihan!

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng kaniyang sentimiyento ang kilalang host na si Bianca Gonzalez patungkol sa isang advertisement ng whitening brand. Siya ang nagsilbing boses ng maraming mga Pilipina na mayroong morenang balat. Ipinagmamalaki niya na siya ay isang morena, pinasimulan niya ang kaniyang post ng mga salitang:
“Just a note from a Filipina with brown skin since birth: There is no problem at all sa mga gustong magpaputi.”


“The problem is when whitening brands make us look ‘kaawa awa’ dahil lang maitim kami. Kasi, hindi po kami kawawa, maganda ang kulay namin,” ito ang mariing pinatotohanan ni Bianca Gonzalez para sa maraming mga taong humuhusga sa mga kababaihan base sa kulay ng kanilang balat.


“I looked up to them (Angel Aquino and Tweetie de Leon). I did not need to compare myself to fair skinned girls. It need not be a “battle” of maitim versus maputi,” dagdag pa niya. Siya ngayon ay mayroon nang dalawang anak si Bianca, kapwa mga babae at kapwa din sila mga morena. Ayon pa sa kaniya ay hindi niya hahadlangan ang mga ito kung naisin man nila na magpaputi o kaya naman ay magpa-tan ng balat at tuturuan niya rin ang mga ito na ang kulay morena ay hindi nakakahiya at hindi dapat ikahiya.


Hindi naman masama ang maghangad ng mabuti para sa iyong sarili basta ito ay nasa tamang pamamaraan lamang. Hindi rin tama na husgahan natin ang ibang mga tao nang naayon lamang sa kanilang pisikal na anyo o di kaya naman ay kulay ng kanilang balat. Dahil sa mayroon tayong angking kagandahan bawat isa hindi man sa pisikal na anyo o sa panglabas, tiyak na mas mabuti ang pagkakaroon ng magandang kaisipan tungkol sa ating kapwa tao.


Kung kaya naman laging pakatatandaan, walang masama sa pagkakaroon ng morena o kaya naman ay mestisang balat. Mas makabubuti para sa atin na mahalin kung ano ang mayroon tayo at kung nais man natin itong palaguin o mapaganda ay siguraduhin nating wala tayong matatapakan na ibang tao.

Source: Instagram, Twitter,



Reply

error: Content is protected !!