Ilang mga larawan na magpapatunay ng ikina-ganda pa ni Rita Gaviola “Badjao Girl”



Nakilala na ng maraming tao si Rita Gaviola na binansagan na ‘Badjao Girl’. Sumikat si Rita noong taong 2016 ng nakuhanan siya ng isang photographer na nagngangalang Topher Burgos ng nanunuod ng Prusisyon ng Pahiyas si Rita.


Ito ang naging caption ni Topher Burgos sa kanyang post:
“beautyslayer” photo walk at lucban pahiyas. nakta lang namin sya nanghihingi ng barya, kapatid natin mga badjao na my angkin ganda.




Mula Zamboanga, dahil sa hirap ng buhay, ay palipat-lipat ng lugar ang pamilya ni Rita hanggang sila ay napadpad ng Lucena Quezon. Dahil sa kahirapan ay nanlilimos lamang sila ng pangkain nila pangaraw-araw. Sumasakay sa jeep upang manlimos.


Napansin ng photographer na si Topher Burgos ang taglay na kagandahan ni Rita kaya agad niyang kinuhanan ng litrato. Ang mga kuha ni Topher ay nagustuhan ng maraming tao kaya naman naging viral si Rita sa social media. Marami ang nagsabing maaaring maging artista o commercial model ang dalaga dahil sa ganda nito.


Naging paraan ito upang mabago ang buhay ni Rita lalo na noong sumali siya sa ‘Pinoy Big Brother’ . Ito ang naging simula ng karera niya sa mundo ng showbiz. Kahit na di siya nakatagal sa ‘bahay ni kuya’ naging dahilan naman ito upang makuha siya sa ibang mga proyekto. Sumikat si Rita sa pangalan na ‘Badjao Girl’ dahil sa naging bansag ng mga netizens sa nagviral niyang mga litrato. Pero kahit ito ang tawag sa kanya, ito naman ang naging dahilan ng pagbago ng buhay niya at ng kanyang pamilya.




Ngayon siya ay isa ng Kapuso na aktres at kabilang siya sa teleseryeng “Sahaya” kasama ang sikat na artista na si Bianca Umali.



Ang pagbabago ng kanyang buhay ay pasasalamat niya sa kumuha ng litrato niya. Kaya naman ang tagumpay niya ay ibina-bahagi niya rin sa mga kaparehas niya dating badjao at sa kanyang pamilya. Ang tagumpay niya rin ay naging inspirasyon para sa iba.




error: Content is protected !!