Inihayag ni Kristy Fermin na nanganak na si Julia Montes at ang ama ay si Coco Martin



Lubos na hinangaan ang tambalang Coco Martin at Julia Montes na mga kapuso na artista. Mas lalo pang sinubaybayan ang tambalan nila sa teleseryeng “Walang Hanggan”. Napabalitaan ang biglaang pagkawala ni Julia Montes sa showbiz na pinagmulan ng maraming haka-haka. Napabalitaan din na nagpunta si Julia Montes sa Germany upang makasama ang pamilya lalong-lalo na ang ama. Pero maraming mga nagsasabing ang magandang dalaga ay nagdadalang tao na ang ama ay si Coco Martin. Ito daw marahil ang naging dahilan ng biglaang pagkawala niya sa mundo ng showbiz.


Buong paninindigan namang sinabi ni Kristy Fermin ang nasasabing pinag-uusapan patungkol kay Julia Montes.
Ayon kay Kristy Fermin:
“Kami po ni Wendell Alvarez ngayong alas kwatro kwarenta’y tres ng hapon ay naninindigan na totoo pong nagsilang ng sanggol si Julia Montes sa Cardinal Santos Medical Center. Totoo po yun,”




Totoo man ito hindi, wala namang problema kung sakaling magkaanak si Julia at Coco dahil parehas naman silang mga dalaga at binata. Kaya iba’t ibang saloobin ang sinabi ng mga netizens sa naging pahayag ni Kristy Fermin.


Ito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens patungkol sa sinabi ni Kristy Fermin:
“Hintayin nalang kasi na mismong si coco at julia magpakilala sa anak nila bakit ba kayo mga reporter hindi makahintay eh gusto nila ng private ang buhay ng dalawa huwag kayo mag alala kung babae ang anak nila tiyak kasing ganda ni julia kung lalake naman kasing gwapo ni coco.”



“Congratulations to both of you.. You deserve to be happy ska bkit need nio png ilihim sa madlng people ang pnganganak mo julia.. Ok lng kc mbuting ama sa anak nio c coco martin.. At msama ang dinidinay na meron k ng anak ksalanan yan ky God alm nio yan?! Dpt pa nga mging proud pa kau dhil meron na kaung angel s buhy nio”


“ano ba pakialam nyo kung nanganak si julia natural babae yun..kayo lng na matatabil ang dila masyadong apektado..ano gusto nyo kayo anakan ni coco.kalorkis nmn kayo..di nmn kayo ang magsusustento..grabe mga tsismosang wala sa lugar..diba dapat nga matuwa tayo dahil nagkababy na sila..kya tigilan nyo na paggawa ng isyu about sa career nila……”





error: Content is protected !!