Miss Universe 2018 Catriona Gray nais din na subukang mag-audition para sa role na “Darna”

Binabalak din ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na bigyan ng pagkakataon ang kaniyang sarili sa industriya ng show business at subukan ang pag-arte. Nais din niyang sumubok mag-audition para sa role ng Darna. Matapos kasing bitawan ng aktres na si Liza ang proyektong Darna dahil sa kaniyang natamong fracture sa kaniyang daliri ay marami na ang mga espekulasyon patungkol sa mga aktres na maaaring makasungkit ng nasabing proyekto.


Kung kaya naman marami sa ating mga kababayan ang naghahangad na makuha ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang pangunahing karakter ng Darna. Lingid sa kaalaman ng nakararami ay isa ring black belter ang beauty queen title holder na ito. Siya ay mayroong black belt sa Choi Kwang-Do. Tiyak na magiging madali na lamang para sa kaniya ang mga matitinding stunts ng proyekto.


Ito ang naging pahayag niya patungkol rito:
“Am I open for acting po? Yes, I’m open to every opportunity that may come my way. Acting is a field that I have not yet had any experience in but I’m a very eager learner. And if the opportunity came to audition for a certain role, I would very much be open to it.” Sa ngayon ay abala pa si Catriona sa kaniyang mga charity works sa New York at ang kaniyang pagganap ng kaniyang tungkulin bilang Miss Universe 2018.

Nagpahayag din ng pagnanais sa nasabing role ang Miss Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach tinawag niya ang Darna bilang “Role of a Lifetime”.


Ang Darna ay isa sa pinakaaabangang pelikula ng maraming mga Pilipino dahil sa tila naging tatak na rin ng ating lahi ang karakter nito na si Narda at Darna. Ilan pa nga sa mga sikat na personalidad na hinangaan dahil sa pambihirang pagganap dito ay sina Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareño, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Regine Velasquez, Angel Locsin, at Marian Rivera.



Reply

error: Content is protected !!