Tinuturuan ni Lucy Torres-Gomez ang kaniyang anak na si Juliana na maging “compassionate” sa halip na maging “competitive” sa buhay!

Si Lucy Torres-Gomez ay 44 taong gulang na artista at pulitiko. Siya ay kasalukuyang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Leyte. Siya ay ikinasala sa kaniyang aktor na mister na si Richard Gomez taong 1998 at biniyaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Juliana.


Isa ang kanilang pamilya sa mga pinakahinahanggang pamilya sa Pilipinas. Bukod sa pagkakaroon nila ng magandan lahi ay mayroon din silang mabubuting kalooban at simpleng pamumuhay base sa post na ibinabahagi ng kaniyang mister na si Richard Gomez. Marami ang humahanga sa kanila na sa kabila ng kanilang kayamanan at karangyaan sa buhay ay talaga namang makikitaan pa rin sila ng kababaan ng kalooban.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga ang mga aral sa buhay na nais ni Lucy na matutunan at maisapuso ng kaniyang anak na si Juliana. Ayon sa ina, mas nais niyang maging mahabagin ang anak sa pakikitungo sa ibang tao at sa pagtrato sa mga ito sa halip na makipagkompetisyon, makipaglaban o makipagtalbugan sa ibang tao.


Ito ang sinabi ni Lucy sa isa sa kaniyang interview sa PEP:
“Lately kasi, over the past few what, few decades? There’s been so much talk about getting ahead. Who’s the best? Parang, how can you be the biggest, the best? And I always tell Juliana not to be pressured to be the best, because who decides who’s the best anyway? What are the criteria?”

Ngayong 18 taong gulang na ang kaniyang anak ay nais nitong makapamuhay siya bilang isang mabuting tao kaysa makisabay sa kung ano ang nauuso o mas kinagigiliwang gawin o paniwalaan ng nakararami lalo na yung mga kabataang katulad niya ngayon.


Tunay ngang wala pa ring makahihigit sa payo o aral ng isang ina. Dahil kailanman ay hindi maghahangad ang ina nang masama sa kaniyang mga anak o di kaya ay mapasama ang kaniyang mga anak nang dahil sa maling mga desisyon ng mga ito o sa mga bagay o aral na hindi nila narinig sa kanilang mga magulang.



Reply

error: Content is protected !!