Buong pagmamalaking ibinahagi ni Awra Briguela ang larawan ng kaniyang ama na nakapagtapos na ng kolehiyo!

Ordinaryo na lamang para sa mga magulang na pag-aralin at suportahan ang kanilang mga anak hanggang makapagtapos ang mga ito sa kolehiyo. Sa ating bansa, responsibilidad ng bawat magulang na mapag-aral ang kanilang mga anak sa kolehiyo.

Ngunit sa mga bansang gaya ng Estados Unidos, sa edad na 18 ay maaari nang magsarili ang mga anak, nangangahulugan ito na sila na ang magpapa-aral sa kanilang mga sarili sa kolehiyo, maaaring maghanap sila ng iskolarsyip, o di kaya naman ay trabaho, student loan.


Kahit pa hindi ito madalas na nangyayari, ay mayroon pa ring mga pagkakataon na ang anak ang tumutulong sa kaniyang magulang na makapagtapos sa pag-aaral. Tulad na lamang ng nangyari sa teen actor na si Awra Briguela na napagtapos ang kaniyang ama na si Oneal Brian sa kolehiyo. Ito ang kaniyang nakatutuwang pagbati sa kaniyang ama:


“Congrats papa! So proud of you!! Sabi nga nila “its better than late, than never” Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aaral! I love you papa!! Congrats ulet! ”…


Talaga namang abot tainga ang ngiti ni Awra sa larawan nilang pamilya habang nakasuot ng toga ang ama. Bagamat hindi nabanggit ni Awra na siya ang nagpaaral sa ama, binati naman siya ng isa ding sikat na personalidad sa industriya ng show business, si Ogie Diaz. Ito ang kaniyang pagbati kay Awra: “Karaniwan nang kwento na ang magulang ay nakapagpatapos ng anak sa kolehiyo. Sa larawang ito, gusto kong batiin si Awra (ng Ang Probinsiyano), dahil napagtapos niya ang kanyang ama sa kolehiyo.”


Tunay ngang isa siyang inspirasyon sa marami pang mga kabataang Pilipino, mga anak at maging sa mga magulang. Hindi naman palaging magulang na lamang ang susuporta sa kanilang mga anak, mainam din na minsan ay tayong mga anak naman ang sumuporta at magbalik ng pagmamahal sa ating mga magulang.



Reply

error: Content is protected !!