Cherry Blossoms sa Sarangani isang bagong atraksyon ngayong summer!

Sinong mag-aakala na hindi mo na kailangan pang umayo sa ibang bansa makakita lamang ng mga cherry blossoms? Dahil mayroon na tayong sarili nating bersyon ng Sakura Sites na dati ay sa mga bansang Japan o sa Korea lamang matatagpuan. Nadiskubre ito sa Malungon, Sarangani na mayroong mga tila “Cherry Blossom Tree” na patok na patok nang summer destination ng lugar ngayon. Hindi man ito ang sikat na mga puno sa Korea at Japan ay maihahalintulad din ito sa mga puno mula sa dayuhang bansa at ang vibe na maibibigay nito sa mga Pinoy na dumarayo dito.


Ayon sa isang travel blog, ang mga puno na to ay tinatawag na Tabebuia Tree. Aakalain mong Sakura trees nga ang mga ito dahil sa naggagandahang puti at pink nitong mga bulaklak.

Ito ang kanilang pahayag ng nasabing travel blog:

“It blooms only during summer from late March to April. Although its flower is a bit bigger in size compared to Sakura, the clusters of it though is still as beautiful.”


Ang traveller naman na si Almin Abejaron ay nagpatotoong malaki nga ang pagkakatulad nito sa Sakura trees ng Japan at Korea. Ito ang kaniyang naging pahayag:
“Pareho lang ‘yong feeling. Seasonal din ito. Once a year lang, during summer, ‘yong bloom niya. Same yong blooming time in Japan. Ilang araw lang din yong bloom nya. So catch it ‘til it last.”


Mayroong mga lokasyon sa Malungon kung saan makikita ang blossoms. Isa na ang Barangay Malalag Cogon na nasa Digos-Makar road. Aabutin ito ng sampung minuto ng pagmamaneho mula Malungon Public Market at Terminal. Mayroon din namang isa pang lokasyon sa Barangay Upper Mainit, Malungon malapit sa Poblacion.

Mayroon din namang Tabebuia trees sa Sitio Pulatana, Malandag, Malungon, na nasa National Highway at sa Sitio Dalangdang, Nagpan, Malungon kung saan makakabili ng mga buto nito. Ayon pa kay Abejaron, magtanong tanong ka lamang sa mga residente doon at ituturo nila sayo ng Tabebuia spot.



Reply

error: Content is protected !!