Isang 17 taong gulang na babae ang gumawa ng sarili niyang Graduation Gown

Ang graduation para sa mga mag-aaral ay isa sa pinaka-matamis na sandali sa kanilang buhay. Kaya ang mga magulang ay todo-suporta sa mga anak sa kaganapang ito. Marahil ang ibang mga magulang ay gumagastos ng malaki upang mabigyan ng magandang kasuotan ang anak sa araw ng graduation.


Pero may isang 17 taong gulang na babae ang nagpakitang gilas sa sarili niyang gawang graduation gown. Siya ay si Ciara Gan na nagbahagi ng mga litrato ng kanyang sariling gawang mga gown na ikina-bilib ng maraming tao sa social media. Ibinahagi niya ang mga larawang ito sa kanyang Twitter account noong April 8.


Ito ang sinabi ni Ciara Gan:
“I made and painted my own gown for my graduation ball! I painted over 80 flowers, sewed + stoned my dress with my mama and designed the whole thing myself!” Binanggit din niya na naging inspirasyon niya sa paggawa ng graduation ball gown ay ang kanyang ina. Si Ciara Gan ay isang senior high school sa Colegio San Agustin, Makati. Binabalak niya na kumuha ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University sa kursong BS Management Information Systems.


Ayon pa kay Ciara Gan
“I have been in love with lilies for the longest time,”  “I wanted my gown to be a manifestation of who I am and the things that are closest to my heart, like the color green and the vibrant colors because that’s who I am,”  Sinabi rin niya na ang konsepto niya sa paglikha ng gown ay maipakita niya kung ano ang personalidad at hilig niya.


“I made the dress during our graduation practices so I was jumping between school and home,” ayon pa kay Ciara Gan.
Gumugol ng anim na linggo ang paggawa ng kanyang napaka-gandang gown. Isang buwan para sa drafting at kosepto ng disenyo, isang linggo at kalahati para naman sa pagtatahi, at limang araw naman para sa pagpinta ng mga bulaklak.



Reply

error: Content is protected !!