Larawan ng mag-ina na masayang naglalaro sa bangketa nakapukaw ng atensyon at simpatya ng publiko!

Maaaring nakatira sa lansangan, wala silang masyadong mga pag-aari sa buhay ngunit ang mag-ina na ito ay nagpatunay na ang kaligayahan ay talaga namang nasa sa atin din. Ang larawan ng mag-ina na masayang naglalaro sa bangketa ay nakuhan ng isang netizen na si Ameniel del Mundo, ayon pa sa kaniyang caption “Happiness is a choice.”


Makikita sa larawan ang ina habang nilalaro ang kaniyabg anak sa isang bangketa noong April 9. Sa kabila ng kanilang kalagayan ay makikita ang saya at ligaya sa kanilang paglalaro. Tila hindi alintana ang panganib na nagbabadya sa hindi ganoong kaligtas nilang tahanan.

Ang nasabing netizens ay naipit sa trapik at talaga naman ikinais niya ang ganoong sitwasyon maging ang mga usaping pang-opisina na nakapagpapainit talaga ng kaniyang ulo ngunit nang makita niya ang mag-ina ay talaga namang natunaw ang kaniyang puso. Ang tagpong iyon ang nakapapabago sa kaniyang pananaw at talaga namang nakapagpasaya sa kaniya. Narito ang kaniyang naging pahayag sa Inquirer:
“I was stressed by some issues in my business when I saw the child playing with his mom and the mother grabbed the child and played with him as well. The two were playing happily at the island while I was grumbling about my situation inside the car.”

At dahil nga sa ginawa niyang pagkuha ng litrato sa mga ito at pagbabahagi nito sa social media, marami ang nagnanais na makatulong sa pamilya at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin kung nasaan ang mag-ina sa viral na larawan.


“This mother and her son were found playing in the middle of heavy traffic at the tramo-airport road on Tuesday. Amidst p0verty and without any material things, the mother and her son remains to be happy and content and could be seen playing around. This game is a popular way within the filipino families to entertain their kids.
For those who wanted to help, we are still looking for them since yesterday, as we cant find the family. Will update as soon as we find them.”



Reply

error: Content is protected !!