Nagbigay ng premyong pera ang mga magulang na ito sa total na nakuhang grade ng kanilang anak

“Ang edukasyon ang susi para sa magandang kinabukasan”. Kinakailangan ng kabataan ang magkaroon ng magandang edukasyon upang magkaroon ng magandang buhay. Hindi lamang ang matutong magbasa at magsulat pati narin ang mga kinakailangang mga kaalaman sa pagsabak sa hinaharap.


Kaya masaya ang mga magulang kung nakikita nilang maayos na nagsisikap ang kanilang mga anak sa pagaaral. Pero hindi lahat ng magulang ay nabibiyayaan ng matatalinong mga anak. Kaya ginagawan ng paraan ng mga magulang ito upang matuto at maging masipag sa pag-aaral. Sabi nga ng iba, wala naman talagang bobo sa mundo. Ang kinakailangan lamang ay maging masipag sa pagaaral. Hindi naman kinakailangan na maging sobrang talino ng isang tao. Ang maging maalam lang sa mga kinakailangan ay sapat na upang maging isang epektibong indibidwal at mamayan ng bansa.

Pero ibang klase ang ginawa ng mga magulang na ito na sina Mary Joy Piquero at Mark Piquero na pampa-engganyo sa kanilang anak upang masipag mag-aral. Binigyan nila ang kanilang anak ng pera mula sa pinagsama-samang gradong nakuha base sa report card. Sa kanilang post ay umabot sa 1,086 ang naging total na grado nakuha kaya naman mayroong Php 1,086 ang kanilang anak.
Ang post na ito ay nagviral na may caption na:
“Kuya: compute-in mo lahat ng grade mo sa final grade lumabas 1,086 Thankkk Youu kuyaaaa luuvvyouuu” Nakaka-tuwang isipin na may kanya-kanyang pakulo ang mga magulang upang ma-engganya ang kanilang mga anak mag-aral mabuti. Ang ibang magulang naman ay bumabase kapag naging ‘honor student’ ang kanilang mga anak.

Sumikat ang post na ito at karaniwan sa mga naka-kita ay mga estudyante din. Kaya ang mga estudyanteng ito ay tina-tag ang kanilang mga magulang upang tularan ang ganitong gawain.
Pero may ilan naman na kumukontra sa ganitong gawain. Kung iisipin nga naman kung 75 ang maging score mo sa bawat subject mayroon ka paring Php 900 na hindi masamang pabuya.



Reply

error: Content is protected !!